CHAPTER 50: Graduation [EDITED]

44.6K 718 19
                                    


MILES


"Congratulations!" sigaw naming lahat kasabay nang paghagis ng graduation cap namin. Then, nagkanya-kanyang puntahan na ang mga estudyante sa kani-kanilang grupo at pamilya.


"Bhest! Congrats satin!" Max exclaimed while hugging me and Sam. And we hugged her back.


After four years of studying here in Montes Escholastica University, nagtapos at nakatanggap na rin kami ng diploma.


"Pwedeng-pwede nang mag-asawa," dagdag pa ni Max na ikinatawa namin.


"Buti sana kung may aasawahin ka," pambabara ni Sam.


"Meron 'no! Subukan lang niyang hindi mag-propose sakin, pipikutin ko siya!"


"Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang mag-propose kay Juice mo?"


"Ano siya sinuswerte? Lalaki dapat ang nagpo-propose."


"Kaya nga ikaw na ang magpropose," pang-aasar ko naman sa kanya.


"Excuse me. Sinasabi mo bang mukha akong lalaki? Itong mukhang 'to?" Sabay muwestra ng kamay sa baba niya. "Oh c'mon, Bhest. Naghuhumiyaw sa buong mukha at katawan ko ang kagandahan kaya imposible 'yang sinasabi mo," mataray niyang sagot sabay irap sakin. And we just laughed at her.


"Hey, hey! What's the commotion here?"


Lumingon kami sa pinanggalingan ng tinig na iyon ni Juice. Naglalakad sila ni Deus papunta sa direksyon namin. Nang makalapit, agad na inakbayan ang kanilang girlfriend.


"Nothing. Usapang babae lang," simpleng sagot ni Max, pero agad na ikinawit ang kamay sa baywang ni Juice.


"Usapang pag-aasawa kamo," pang-aasar pa rin ni Sam sabay tawa.


"Sinong mag-aasawa?" asked Juice, frowning.


"Yung aso namin. Kinukuha nga akong maid of honor," Max answered sarcastically while rolling her eyes at him.


Nagdududang tiningnan ni Juice ang girlfriend niya. "Are you in drugs, Lemon Max? Nagha-hallucinate ka eh. Sa tingin mo ba ay may matinong aso na kukunin kang maid of honor, ha?"


"Huwaw, Orange Juice! Naka-graduate ka lang, hindi ka na marunong mag-identify ng seryoso at sarkastikong sagot? At please lang. Huwag mong ipagyayabang sakin ang kagwapuhan mo dahil wala 'yang connection sa pinag-uusapan. Tsk."


Graduate na rin pala ang mga boyfriend nila. Ka-batch namin sila since five years ang course nila at ahead lang ng isang taon.


Kasabay rin naming nagtapos ang magkasintahang Cloud at Dawn. Oo, sila na at isa't kalahating taon na rin ang relasyon nila. And I'm happy for the both of them.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon