Cloud and Dawn Side Story (Part 1)

36.6K 323 11
                                    


Ang istoryang ito ay umiikot lamang kina Cloud at Dawn. Ito ang kwento nila kung paano naging sila. Hohohoho! Same settings pa rin. Sa school at minsan sa bahay nina Dawn at Cloud. Kasabayan ito ng kwento nina Nathan at Miles, sa ibang scenario nga lang.

 

Ginawan ko sila ng kwento kasi hindi sinabi sa kwento ng MN1IMH lalo na sa Epilogue, kung paano napasagot ni Cloud Montenegro ang fearless at matapang na si Dawn Sunshine Martinez. Sana magustuhan nyo! ^____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DAWN'S POV

Tumatakbo ako ngayon patungo sa unang klase ko. Malelate na ko! Kung bakit naman kasi tinanghali ako ng gising eh!

At sa pagmamadali ko pa, di ko napansin ang taong nakasalubong ko kaya nagkabanggaan kami. Sa lakas ng impact, napaupo ako.

Asar naman eh! Kung kailan nagmamadali, saka may haharang sa daraanan!

"Ano ba?! Bulag ka ba?! Kita mong may makakasalubong ka, di ka pa tumabi diyan." - asar na sabi ko sa taong bumangga sakin nang makatayo ako

"Kung nakita agad kita, malamang na iniwasan na kita diba? Ikaw itong nagmamadali, ikaw dapat ang tumitingin sa daan."

Napaangat agad ang tingin ko nang makilala ang baritonong boses na yon. It was no other than Cloud Montenegro.

"So, what are you trying to imply?" (^____-) - taas ang isang kilay na pagtataray ko sa kanya

"Wala akong ibig sabihin. Ang sa akin lang, huwag mong isisi sa makakabangga mo ang pagkakabunggo nyo dahil hindi lang ako ang may kasalanan." - Cloud

"Eh di may ibig ka ngang sabihin. Sinisisi mo ko sa pagkakabungguan natin."

"Bahala ka kung ano gusto mong sabihin, basta hindi ako magsosorry. Tsk."

Ang kapal talaga ng mukha ng hudyo. "Don't worry, I'm not expecting you to say sorry to me." - sarcastic kong sabi

"Really? The last time we bumped to each other, in-assume mo pa nga na magsosorry ako sayo noon which is malayo sa balak kong sabihin noon sayo. Masyado kang assuming."

"Oh, eh ano ngayon?"

Napailing-iling siya. "Why am I talking to you, anyway? Besides, you're not worth to my attention."

(o___0) - ako

Pagkasabi niya non ay naglakad na siya at nilagpasan ako. Napasinghap at nanlalaki ang mga matang sinundan ko lang siya ng tingin.

Ang kapal talaga! Gayahin daw ba yung dati kong sinabi sa kanya? Aaaarrrggghhh!

Nang magring na yung bell - hudyat na magsisimula na ang klase, saka lang bumalik sakin na late na nga pala ako sa first subject ko. Agad na kong tumakbo sa classroom ko.

----------

"Spike!" - sigaw ng teammate ko

Oh, sh*t!

Napamura talaga ako nang maramdaman kong kumirot ang palapulsuhan ko sa malakas kong pagpalo sa bola.

Nagpapractice kami ngayon ng volleyball dito sa gym para sa upcoming competition namin sa La Salle next month. Pero, kung ganitong madalas na ang pagsakit ng palapulsuhan ko lalo na kapag mag-i-spike ako, mukhang hindi maganda ang magiging kondisyon ko sa laro.

Sinalo kong muli ang bola at muling pinalo. Sa pagkakataong ito, hindi ko na natiis ang sobrang sakit at kirot ng kamay ko.

Napaluhod na lang ako sa sahig habang nakangiwi at nakapikit na hawak ang kanang kamay ko.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon