MILES
"Bakit sa amin ka nagpapaalam? Kami ba ang boyfriend mo?"
"Hindi ako nagpapaalam sa inyo."
"Kung sa tingin mo ay papayag kami na sumama ka sa gagong Cloud na 'yan, nagkakamali ka, Bhest."
"Hindi ako humihingi ng permiso sa inyo."
"Utang na loob, Bhest. Tantanan mo kami sa kapilosopohan mo. Tsk." Damang-dama ko ang lutong ng pagkakasabing iyon ni Max.
"Kung hindi ka pala nagpapaalam at humihingi ng permiso sa'min para sumama kay Cloud, bakit mo sinasabi sa'min na magkikita at sasama ka sa kanya?"
"I'm just informing you, just so you know," sagot ko kay Sam.
They already know na balik-magkaibigan na ulit kami ni Cloud. At first, nagtataka sila kung bakit ko pa raw siya tinanggap bilang kaibigan, bakit ang dali ko raw siyang napatawad, at kung nakalimutan ko na raw ba 'yung ginawa niya sa'kin. Sabi ko naman sa kanila, napatawad ko na si Cloud at naka-move on na 'ko kaya wala akong nakikitang masama kung maging magkaibigan ulit kami. At ang pagsama ko sa kanya mamaya, it's only because he's my friend and nothing else. Sinabi ko na rin kina Max at Sam ang dahilan kung bakit kami magkikita, pero mukhang hindi pa rin nila maintindihan.
"Alam na ba ni Nathan 'yan?" Narinig kong tanong ni Max.
Umiling ako.
"What?! Hindi pa alam ng boyfriend mo?!" nanlalaki ang mga matang sabay na sigaw nilang dalawa.
"Sa palagay n'yo ba papayag 'yon kapag sinabi ko?"
"Hindi!" sabay ulit nilang sagot. "Pero karapatan niyang malaman kung saan at sino ang kakatagpuin mo mamayang hapon. Kung hindi ka naipagpaalam ni Cloud, then ikaw na ang magpaalam sa kanya," dagdag na sabi ni Sam.
"Kung nakinig kasi si Nate kay Cloud kahapon, eh di sana alam na niya ngayon. Balak naman kasi talaga akong ipagpaalam ni Cloud sa kanya. Hindi lang ito hinayaang matapos ni Nate sa pagsasalita."
Tumaas ang isang kilay ni Max at bago pa man siya makapagsalita, biglang tumunog ang phone niya. "Tumatawag si Orange Juice," sambit niya habang nakatingin sa screen.
"So? Kami pa ba ang kailangang sumagot sa tawag niya?" Inirapan lang ni Max ang panonopla sa kanya ni Sam bago sinagot ang tawag ng boyfriend niya.
"Paki-loud speaker, Max," pahabol na sabi ko sa kanya.
Nagtataka man ay ni-loud speaker na nga lang niya ang phone niya kaya naman narinig din namin ang tinig ni Juice mula sa kabilang linya.
"Lemon Max! I miss you!"
"I miss you too, Orange Juice!"

BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...