MILES
Ala sais y medya pa lang ng gabi ay bihis na ko. Alas siyete ang usapan namin ni Nate at susunduin niya ko. At ilang minuto pa ang lumipas, dumating na rin siya.
Ipinagpaalam na niya ko kay Mama. Wala si Papa at matatagalan pa bago makabalik dahil sa out-of-town business na inaasikaso nila ng boss nito sa company. Hindi pa nami-meet ni Nate si Papa dahil kapag nandito siya samin, wala si Papa. Kapag nandito naman si Papa, saka naman hindi pwede si Nate. Siguro hindi pa ito ang oras para magkaharap at magkakilala sila. Pero, alam naman nito kung sino at ano hitsura ng boyfriend ko dahil sikat at kilala ang pamilya nina Nate.
"Ibalik mo si Ate ng walang labis at walang kulang, Kuya Nathan."
"Wala kang dapat ipag-alala, Miller," he said, grinning.
"I'm not concerned. I'm just reminding you," sagot pa ng kapatid ko na ikinatawa namin ni Mama.
"Oo na lang. Tita, alis na po kami." Sabay hila niya sakin palabas ng bahay.
"Ingat kayo, Nathan. Enjoy your date." Narinig kong sabi ni Mama.
"May sasabihin ako, Mine. Actually, kanina ko pa gustong sabihin sayo kaya lang, hindi ko na nagawang magsalita pa nang makita kita," sabi niya habang nakasakay kami sa kotse niya at bumibiyahe na papunta sa dating place namin.
"Ano 'yon?"
Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti. "You're very beautiful, Mine."
Hindi ko napigilang ngumiti. Ramdam ko rin ang sinseridad sa sinabi niyang iyon. Hinagod ko naman ng tingin ang kabuuan niya. "You, too. You don't look bad," sabi ko bago tumingin sa labas. Hindi ko sasabihin kung gaano siya kagwapo ngayon.
He chuckled. "Mine, Mine, Mine. Hindi mo masabi kung gaano ako kagwapo dahil hindi sapat ang salitang iyon para i-describe ako, ano? Okay, I understand you."
See? Aware na aware na siya kahit hindi ko sabihin iyon. "Yeah, right. Just drive, Nate."
Huminto ang kotse sa tapat ng kilalang restaurant, ang Romantico Fonda. Paglingon ko sa katabi ko, agad niyang nilagyan ng panyo ang mga mata ko. "What are you doing?" takang tanong ko.
"Pinipiringan ka. Hep!" Agap niya sa kamay ko nang akmang tatanggalin ko iyon. "Don't you dare to remove it. Tatanggalin ko rin 'yan mamaya. Don't move and wait here." Narinig ko ang pagbaba niya sa sasakyan. Then, nagbukas ang pinto sa tabi ko at naramdaman ko na lang ang pagtanggal niya sa seatbelt ko. Inalalayan niya kong bumaba.
Ilang sandali pa, tumigil na kami sa paglalakad. "Nandito na tayo, Mine." At tinanggal niya ang panyo na nakapiring sakin. "Surprise!"
Halos manlaki ang mga mata ko sa pagkamangha sa paligid. Tanging ang center table na may scented candles and pink roses ang naiilawan. Napapalibutan din ng rose petals at white and red balloons ang sahig patungo sa lamesang iyon. Pero, ang pinaka nakakuha talaga ng atensyon ko at talagang nagpanganga sakin ay ang mga nakasabit na pictures sa ceiling.
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...