SAM
"How was your date with Nathan?" tanong agad ni Max pagkalapit namin kay Bhest.
"Okay naman," simpleng sagot naman niya.
Nagkatinginan kami ni Max at sabay na napangisi. "So, it was really a date and not a favor?" pagkumpirma ko pa sa kanya na kibit-balikat lang ang isinagot niya.
Natawa na lang kami ni Max. Kung alam kasi ni Bhest na hindi pa rin date ang paglabas nila ni Nathan, siguradong itatanggi niya ulit iyon.
Hindi na kami nagtanong pa sa kanya kung ano ang mga ginawa nila ni Nathan. Knowing Bhest, hindi rin naman siya magkukwento sa nangyari sa date nila. Pero, malalaman din naman namin iyon dahil nag-hire kami ni Max ng isang tao para sundan silang dalawa. Professional ang taong 'yon kaya alam namin na nakuhanan nito ang lahat ng ginawa nina Bhest at Nathan nang hindi napapansin.
Napansin kong parang may pinagkakaguluhan sa labas ng classroom namin.
"Hey, Sam. Si Deus ba 'yun?" Narinig kong tanong ni Max.
Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitingnan niya. Si Dervin nga 'yung pinalilibutan ng mga babae.
"Hindi ko alam na isa na rin pala si Deus mo sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante rito."
"Yeah, right. Hindi ko rin alam," sagot ko lang kay Bhest at saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Max.
"Sa property ko. Ang daming tresspassers eh."
Tumaas ang isang kilay ni Bhest. "Since when?"
Since ma-realize ko na in love ako kay Dervin. Hindi ko na isinatinig pa ang sagot na iyon. Lumabas na 'ko sa classroom at lumapit sa taong pakay ko.
"Sino ang pinuntahan mo rito, Deus?" Narinig kong tanong ng isang babae na parang ahas kung makalingkis sa isang braso ni Dervin.
"Ako ba?" tanong naman ng isa pang babae na parang linta kung makakapit sa kabilang braso niya.
"Of course not! Ako kaya ang pinuntahan ni Deus dito."
Halos matawa ako sa pagka-assumera ng isa pang babae na halos ipagduldulan na ang hinaharap sa mukha ni Dervin. Mabuti na lang at mukhang hindi naman naaakit sa fake boobs niya si Dervin. At subukan lang niyang magpaakit, naku! Mata lang niya ang walang latay.
"Hoy, Miss." Bored na nilingon ko 'yung babaeng kumulbit sakin. "Anong itinutunganga mo rito? Hinihintay mo rin bang mapansin ka ni Deus? Sorry, girl. Pero, mas mapapansin niya 'ko kaysa sayo," maarteng sabi niya sabay irap sakin at lumapit din kay Dervin.
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Fiksi RemajaSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...