CLOUD'S POV
Lumipas pa ang ilang araw at medyo hindi na ko nagkakaroon ng time kay Liwayway. Syempre, nakaka-frustrate din sa part ko dahil miss ko na siya.
Nung araw na lapitan ko si Miles, may part sa pagkatao ko na talagang ginawa ko yun on purpose. Gusto kong pigilan niya ako sa paglapit kay Miles. Gusto kong malaman kung nagseselos siya.
Kaya lang, nung makita kong ngumiti siya at tumalikod sakin, parang may sakit akong naramdaman sa puso ko. Ganun na lang niya ko ipagtabuyan sa iba.
Hindi ko siya magawang lapitan ngayon dahil alam kong wala siyang nararamdaman sakin. Natatakot akong malaman mula sa kanya na bale-wala lang ako.
Nang makita ko si Miles, muli ko siyang nilapitan. Sinabi ko sa kanya ang kalagayan ko.
Napailing na lang siya sa isinalaysay ko. "So, you want her to be jealous? Ang tanga mo, Cloud Montenegro."
"Aray! Kung makatanga ka naman sakin. Buong pangalan talaga?" - exaggerated na sabi ko
"Hindi ko alam kung manhid ka at walang pakiramdam. Or sadyang tanga lang talaga?"
"Pssshhh! Hindi kita nilapitan para insultuhin ako." - naiinis na sabi ko
"Kasi naman, ang tanga-tanga mo talaga. Akala mo ba hindi nagseselos si Dawn? Mali ka. Base sa mga nakikita kong mga reaksyon at kilos niya, selos na selos siya."
"Pano mo naman nasabi yan? Ipinagtatabuyan nga niya ko sayo. Ngiting-ngiti pa siya palagi kapag sinasabi niyang lapitan kita." (.~~)?? - kunot-noong sabi ko
"At naniwala ka naman? Alam mo, hindi sa lahat ng pagkakataon, ipinapakita ng babae sa isang lalake na malungkot at nasasaktan na sila. Oo, ngiting-ngiti siya sayo. At iniisip mo pa siguro na masaya siyang ipagtabuyan ka niya. Pero hindi mo alam, sa likod ng ngiti niya, nasasaktan siya. At ikaw naman itong si tanga at manhid, lumalayo naman sa kanya. Alam mo ba na kapag sinabi ng babae na umalis ka at lumapit sa iba, ang ibig niyang sabihin ay huwag kang umalis at huwag mo siyang iwan. So in short, hindi lahat ng sinasabi ng babae ay kagustuhan niya."
"Based on your own experience ba yan?"
Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Saka lang siguro nagsink in sa isip niya ang mga sinabi niya.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Ang tanga at manhid ko nga talaga. Hay!
"Ehem. Anyways, kung iyon ang ibig niyang sabihin, sana sinabi na lang niya ng diretso diba?"
"Hindi mo b alam ang tinatawag na Reverse Psychology? At sa tingin mo, bakit niya sasabihin sayo yun? Ano ba siya sa buhay mo?"
Hindi agad ako nakapagsalita. Ano siya sa buhay ko? She's already a part of me. Hindi ko na kayang mawala pa siya sa buhay ko. Pero, hindi ko pa pala nasasabi yun sa kanya.
"So, are you trying to say na nagseselos siya kapag nilalapitan ka niya?"
"Im not just trying, I'm saying na talagang nagseselos siya. Iniisip niya na wala siyang karapatan sayo kaya hinahayaan ka niya. Makikita mo naman yun sa mga mata at kilos niya na malungkot at nasasaktan mo siya. Well, kung ikaw ang titingin, hindi mo makikita yun. Manhid ka na nga, tanga ka pa."
"Aray naman. Kanina ka pa, Millicent Buencamino. Nagiging ganyan naman talaga tayo kapag inlove diba?"
Bahagya ulit siyang natigilan. Nakita kong may namuong luha sa kanyang mga mata. Malungkot siyang ngumiti. "Oo. Ganyan nga tayo kapag inlove. Nagpapakatanga. Kaya ikaw, huwag kang sumobra sa katangahan. Kapag hindi ka pa kumilos, baka mawala pa sayo yang sinisinta ng puso mo."
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...