CHAPTER 36: Continuation... [EDITED]

53.2K 863 21
                                    


MILES


"Talagang hindi man lang nila tayo hinabol, ano? The nerve of that guys!" naiinis na sigaw ni Max habang pabalik-balik sa paglalakad dito sa hotel na tinutuluyan namin ngayon.


Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran niyang iyon. "Sinabi mo kay Juice na huwag tayong sundan, tapos ngayon magtataka ka kung bakit hindi ka niya hinabol?"


"I'm using reverse psychology."


"Well you see, it didn't work. Kapag gano'n ang sinabi mo, literal ang dating niyon sa kanila," sabi ko pa.


Tumigil siya sa paglalakad at tinapunan niya ko ng masamang tingin na ipinagkibit-balikat ko lang.


"But the boys should chase the girls when they walked out." Narinig kong paghirit ni Sam.


I rolled my eyes at them. "Yes. The typical boyfriend would chase his girlfriend when they have misunderstanding. But your boyfriend is not just a typical guy and you should know that, girls. Mayayabang sila at sabi pa nga nila sa isa't-isa, mga gago sila. Malamang nasa isip nila na kaya kayo nag-walkout ay dahil gusto niyo ng space. At dahil alam nilang nag-iinarte lang kayo, hindi nila kayo hinabol dahil alam din nilang gusto niyo silang maghabol sa inyo," I explained, then heaved a deep sigh. "Seriously, ano bang nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.


Nang nasa People's Park kami kanina ni Nate, nagulat na lang kami nang makita namin doon sina Max at Sam kasama ang boyfriend nila. Sabi nila ay nagde-date raw sila. Naniwala naman ako, pero si Nate ay sobra ang pagdududa. Naisip niya na baka sinundan nila kami na ikinatawa lang ng apat. Then after that, nagkayayaan kaming lahat na magdinner sa Josephine Restaurant. Okay pa naman ang apat nang mga oras na 'yon. Nagsayaw pa nga kaming lahat sa stage nang tumugtog ang isang sweet music.


Nasa kalagitnaan na kami ng pangalawang sayaw ni Nate at matamang nakatitig sa isa't-isa na para bang walang ibang nakikita kundi ang mga sarili namin, ay bigla na lang akong inilayo nina Max at Sam sa kanya. Nagtaka kami ni Nate at tinanong kung anong problema nila. Nang makita namin ang mga hitsura nila, mukhang bad trip na sila.


Bigla akong hinila dito sa hotel na tinutuluyan namin ngayon. Magpoprotesta pa nga sana si Nate dahil sinisira raw nila ang date namin, pero sinabi ko na lang sa kanya na kausapin niya muna ang mga kaibigan niyang lalaki.


Ako naman ay kausap ang dalawang babaeng ito na mukhang may topak sa boyfriend nila. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila na tahimik lang. At bago pa man ako makapagsalita, tumunog ang doorbell. Agad iyong tinungo ni Max at pagbalik niya ay may tulak-tulak na siyang tray na may tatlong bote ng wine at bucket of ice, may kasama pang pulutan.


"We're supposed to talk your problems with your boyfriend, you know?"


"And we can talk about it while drinking, Bhest," sagot sakin ni Max bago inilagay sa mesa ang lahat ng iyon at simulang salinan ng wine ang tatlong kopita.


Iniabot sakin ni Sam ang isang baso at nagyayang mag-cheers. Kinuha ko iyon at nakipag-cheers sa kanila. Parang tubig lang kung tunggain at direktang inumin ng dalawa yung wine.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon