CHAPTER 48: Farewell [EDITED]

43.6K 729 33
                                    


NATHAN


I smiled bitterly when I find myself standing near at the front of Mine's house. Mine na naman? Tsk, sarkastikong sambit ko sa sarili ko.


Isang linggo na rin ang nakakalipas nang maghiwalay kami. At sa loob ng mga araw na 'yon, namamalayan ko na lang na narito ako sa tapat ng bahay nila at nakatanaw sa kwarto niya.


Oo. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. At may nararamdaman din akong galit sa kanya. Sino bang hindi? Niloko ka ng taong mahal mo, pinaniwala at pinaasa ka sa isang kasinungalingan. At ang pinakamasakit doon, ibinigay mo na ang lahat-lahat ng pagmamahal na meron ka, pero hindi pala iyon sapat para mahalin ka niya.


"I don't love you."

"Sinungaling."

"I didn't love you."


"Sabihin mo. Siya pa rin ba? Yung gagong iyon pa rin ba ang mahal mo?"

"O-oo. Siya nga. S-siya lang talaga."


"Sinubukan mo ba akong mahalin?"

"I tried."


Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit nang paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko 'yang mga masasakit na salitang binitiwan niya nang gabing iyon. Halos walang pumapasok sa isip ko dahil ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niyang iyon. Yung ine-expect kong saya at tuwa na maramdaman, napalitan ng galit at sakit. At sa mismong araw pa ng birthday ko.


Nang magkasalubong kami kanina sa hallway, halos pigilan ko ang mga kamay ko na hilahin siya at yakapin nang mahigpit. Halos pigilan ko ang sarili kong sabihin na 'Mine, ako na lang. Ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang ulit.'. Basha at Popoy lang ang drama ko kung sakali. Tsk.


Gabi-gabi na rin akong umuuwi ng lasing sa condo ko. Kung minsan, yung mga gago kong kaibigan ang kasama ko sa inuman. Ayokong umuwi sa mansion. Ayokong makita nina Mama kung gaano ako kamiserable ngayon. Ayokong malaman nila na hiwalay na kami ni Mine dahil hanggang ngayon, may parte pa rin ng puso ko ang umaasang magkakabalikan kami.


Sinasabi sakin ng mga gagong 'yon na kinakausap daw nila si Mine. They even told her na nababaliw na raw ako, nagsasalitang mag-isa, umiiyak bago tatawa, muntik nang hindi makahinga dahil sa labis na pag-iyak at kung anu-ano pang exaggerated na kalokohan ang pinagsasabi nila. At ang palaging sinasabi nilang sagot ni Mine, 'I don't have anything to do with him anymore'. Minsan ko na ring sinabi ang mga salitang iyon, at sa kanya ko naman ngayon narinig iyon.


Kahit sobra akong nasasaktan, patuloy ko pa rin siyang minamahal. Imposible nga yata yung sinabi ko kanina na makaka-get over din ako sa kanya. Kahit sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ko mahal, may bahagi pa rin ng utak at puso ko ang hindi naniniwala roon. At hindi siya ang klase ng babaeng makikipaglokohan lang.


"Ibinibigay at iniiwan ko sayo 'yan para malaman mo na sayo lang ako at wala nang makakaagaw pang iba. Kapag nabasag 'yan at ibinigay mo sa iba, para mo na ring dinurog ang puso ko at ipinamigay kaya kung ayaw mo kong mawala, hawakan at pakaingatan mong mabuti 'yan. It symbolizes my love for you."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon