CHAPTER 35: Second Date (Part 2) [EDITED]

53.9K 1K 33
                                    



MILES


"Ang ganda ng view," hindi ko napigilang sambitin habang nakatingin sa overlooking Taal Volcano. The view in front of us was breathtakingly beautiful. Nakaupo kami sa isa sa mga cottages dito pa rin sa Picnic Grove at kakatapos lang naming kumain ng tanghalian.


"Yeah. Very beautiful." Narinig kong sagot ni Nate. Lumingon ako sa kanya at napakunot-noo nang makitang titig na titig siya sa'kin.


"'Yung view na nasa harapan natin ang tinutukoy ko."


"Oo nga. At ikaw ang magandang view na nasa harapan ko."


"Whatever, Nate," I said while rolling my eyes at him. Hindi ko aaminin sa kanya na kahit papa'no ay kinilig ako.


Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. "Sus. If I know, kinikilig ka na diyan, Mine." And he chuckled.


Hindi ko na lang pinansin ang panunukso niya. See? Alam na alam niya talaga kung paano sisirain ang kilig na nararamdaman ko. Psh!


Ilang minuto pa kaming naupo at nakatanaw lang sa magandang view bago tumayo at naglakad-lakad na ulit. Tumingin-tingin din kami sa ilang mga shops dito para sa mga souvenirs na pwede naming mabili. At habang ginagawa iyon, pakiramdam ko ay parang may mga matang nakamasid sa'min. Ilang beses ko ring iginala ang tingin sa paligid, pero wala naman akong napansing kakaiba sa mga taong nakita ko. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi pinansin iyon. Baka napa-paranoid lang ako.


After naming maglibot, niyaya naman niya ako sa People's Park. At pagkarating namin doon, kinakailangan pa naming maglakad pataas dahil hindi naman talaga pwedeng dumiretso doon ang mga sasakyan.


Pagkababa namin sa kotse, may iniabot sa'kin si Nate. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa hawak niyang paper bag. "Ano 'yan?"


"Jacket. Baka lamigin ka, eh. Malamig pa naman ang panahon ngayon dito," nakangising sagot niya habang tumataas-taas pa ang kilay niya. Noon ko nga lang din napansin na naka-black jacket na siya.


Kinuha ko na lang ang iniaabot niya kahit pakiramdam ko ay may iba sa pagkakangisi niyang iyon. White jacket ang laman ng paper bag. At napataas ang kilay ko nang makita kung ano ang naka-print sa likod niyon.


He turned around. Napanganga ako nang makita kung ano ang naka-print sa likod ng jacket niya. Lumingon siya at malapad na ngumiti sa'kin. "What do you think, Mine? First couple thing natin itong couple jacket. 'I am YOURS' ang sa'kin at 'You are MINE' naman sa'yo. Bagay, di ba?"


"Baduy mo," sambit ko, pero hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko akalain na ang isang mayabang na kagaya niya ay makakaisip nang ganitong bagay. May ibang mga lalaki kasi na hiyang-hiya magsuot ng couple things, eh. They find it corny and childish. But knowing Nate, he's not just like any typical guys out there. Saksakan man siya ng yabang, nag-uumapaw pa rin sa sweetness ang kanyang katawan. Corny, but sweet. And he's very romantic person. At madalang na ang mga lalaking kagaya niya.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon