Cloud and Dawn Side Story (Finale)

22.7K 271 19
                                    

A/N: This final chapter of Cloud and Dawn Side Story was dedicated to Ate Eimee! Para sayo 'to, girl dahil ikaw rin ang naging closed friend ko sa Watty kahit mahigit isang taon na ko dito. Hahaha! Salamat at sana mabasa mo 'to! ^____^

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DAWN'S POV

Nagising ako nang may liwanag na tumama sa mukha ko. At sa paggising ko, sobang sakit ng ulo ko. Nag-inom nga pala ako kagabi kaya malamang hangover itong nararamdaman ko.

At naramdaman ko lang na parang may mabigat na bagay na nakapatong sa may tiyan ko. Nang kinapa ko ito, isang braso ang nakapa ko. Parang sa lalake eh.

Unti-unti akong nagmulat ng mata.

(__ __)

(-___-)

(o.o)

(0________0)

At ganun na lang ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata ko na ang gwapong mukha ni Cloud na natutulog ng mahimbing ang nakayakap sakin.

Dahil nabigla ako, sumigaw ako nang malakas at bigla siyang itinulak paalis sa kama ko.

BOOOGGG***

"What the hell?" - sabi niya

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa sahig at kunot-noong tumingin sakin.

"Sinipa mo ba ako paalis ng kama?"

"Oo! What the hell are you doing here, gagong-mayabang? Sinong nagpapasok sayo ritong hinayupak ka?!" - sigaw ko sa kanya

"Maldita ka talagang bruha ka. Aga-aga, iyang mga masasakit na salitang iyan ang maririnig ko sayo? Mas mabuti na pala yung lasing ka. Dahil kahit papano, may matamis na salita akong narinig mula sayo."

Ako naman ang napakunot ng noo. "What are you talking about? Wala akong kinaing matamis kahapon kaya imposibleng may sinabi akong matamis na salita."

"Since gising ka na at mukhang medyo nasa katinuan, magkaliwanagan na tayong dalawa."

Aba at hindi man lang pinansin ang pasaring ko.

"Anong liliwanagin sating dalawa? At anong sinasabi mong TAYO? IKAW at AKO lang. Walang TAYO! At isa pa, ikaw lang naman diyan ang madilim. Ikaw dapat ang maliwanagan."

"Huwag mo kong pilosopohin. Baka gusto mong ipaalala ko sayo ang mga sinabi mo kagabi?" - sabi niya at unti-unti siyang lumapit sa kama ko

Sinabi ko kagabi? Ang dami kong sinabi kagabi. Alin ba doon ang ipapaalala niya?

Napaatras naman ako habang nakaupo sa kama. Naramdaman ko na lang na lumapat ang likod ko sa headboard.

Tapos itinuon niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko kaya parang nakulong ako sa kanya. Then, lumapit pa siya sakin hanggang sa konti na lang ang distansiya ng mga mukha namin.

"Gusto ko lang linawin yung sinabi mo kagabi na mahal ko pa si Miles. Mali ang hinala mong hinahabol ko siya. At lalong mali ang hinala mong mahal ko pa siya."

"Weehh? Sinong niloko mo? Kung hindi mo siya hinahabol at wala ka na ring nararamdaman sa kanya, bakit ka pa rin lapit ng lapit sa kanya?" - kastigo ko sa kanya

"Sino ba ang nagtataboy at nagtutulak sakin para puntahan si Miles? Hindi ba at ikaw? Tuwing magkasama tayo nung break na sila ni Nathan, never kong sinabi sayo na gusto ko siyang puntahan."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon