MILES
It's another Monday for school. Kahapon ay nag-text ako kay Nate para kumustahin siya, pero wala man lang reply. At ngayon ngang umaga, nakapagdesisyon na kong kausapin siya.
Halos magwala ang puso ko nang makita ko siya sa may locker. Then, he looked at my direction and met his gaze. Pero, hindi ako nakagalaw nang tapunan niya lang ako ng isang malamig na tingin.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para tawagin siya nang malapit na siya sa'kin. Agad din akong natigilan nang bungguin niya lang ako sa balikat at hindi man lang ako pinansin. I looked back, pero dire-diretso lang siyang naglakad at hindi man lang lumingon sa direksyon ko.
Gusto ko siyang habulin, pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. At habang naglalakad siya palayo, pakiramdam ko ay unti-unti na rin siyang lumalayo sa'kin.
Natauhan lang ako nang marinig ang mahinang bulungan ng mga estudyante sa paligid.
"Nanliligaw sa kanya si Nathan, di ba?"
"Iyon ang alam nating lahat dahil nakita naman natin ang pagtatapat at hayagang panliligaw sa kanya ni Nathan sa harap ng campus."
"What happened? Bakit parang hindi na sila nagpapansinan ngayon?"
"Binasted kaya niya si Nathan?"
"Wow, ha? Siya pa ang may ganang mambasted kay Nathan natin?"
"Pero kung wala nang ligawan na nangyayari sa kanila, that's a good sign, right? It means, natauhan na si Nathan at nakawala na sa panggagayuma niya."
Mapait akong napangiti at hindi na lang pinansin pa ang mga sinasabi nila. Although, medyo nasaktan ako sa mga sinabi nila. What if totoo nga? What if tumigil na nga sa panliligaw sa'kin si Nate?
"Anong nangyari sa'yo, Bhest? Bakit parang pasan mo ang daigdig base sa hilatsa ng mukha mo?" bungad sakin ni Max pagkarating ko sa first class namin. Nagtatakang nakatingin naman sa'kin si Sam.
Napabuga ako ng hangin bago ikinuwento ang hindi pagpansin sa'kin ni Nate at ang malamig na tinging ibinigay niya sa'kin kanina. Mataman lang silang nakinig at pagkatapos kong idetalye ang pangyayaring iyon, bigla na lang nila akong hinila palabas ng classroom.
"Wait! Saan niyo ba ako dadalhin?"
"Sa lalaking dahilan ng ipinagkakaganyan mo. Kailangan niyo nang mag-usap ngayon," sagot ni Sam habang patuloy sa pagkaladkad sa'kin.
Hindi ko na nagawang magsalita pa nang makitang pumasok na kami sa building ng mga Engineering students. Karamihan pa naman ng mga estudyante rito ay mga lalaki. Sinusundan nila kami ng tingin habang dumadaan sa hallway. At ilang sandali pa, huminto kami sa tapat ng isang classroom.

BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...