MILES
"The last time you invited me on a date, you just asked for a favor and didn't tell me it was really a date. And now? You just appeared in our house early in the morning, entered my room without my permission, kissed me while sleeping and told me that we have a date. You really know how to invite a girl on a date, huh?" I said sarcastically. We're on our way to his so-called date.
"That's what you call surprised date, Mine," nakangising sagot naman niya habang nasa daan ang tingin.
"Yeah, right. I'm really surprised. Psh!" puno pa rin ng sarkasmong sagot ko bago nakasimangot na sumandal dito sa kinauupuan ko. Mas lalo akong naasar nang tumawa lang siya.
Sa totoo lang, ayos lang naman sa'kin kung may date kami ngayon ni Nate. Ang ikinaiinis ko lang talaga ay 'yung nangyari kaninang umaga. Hindi ko ine-expect na pupunta siya at papasok pa sa kwarto ko para gisingin ako. Akala ko, nananaginip lang ako nang makita siya at batiin ako. At akala ko, panaginip lang din 'yung pagdampi ng labi niya sa labi ko. Muli kong iminulat ang mga mata ko para kumpirmahin kung panaginip nga lang ba ang mga iyon.
Pero, ganun na lang ang pagkagulat ko nang naroon pa rin talaga siya sa harap ko at mukhang hahalikan niya ulit ako. Bumangon ako at hindi sinasadyang naitulak siya sa kama nang mag-panic ako. Agad ko rin siyang pinalabas ng kwarto. Gusto ko ngang himatayin sa sobrang kahihiyan nang makita ang hitsura ko sa salamin. And to think na hinalikan pa niya ako ng mga oras na 'yun! Kaya sa tingin ko, inaasar niya lang ako nang sabihin niyang maganda ako sa paningin niya. Psh!
Napakunot-noo ako nang mapansing palabas na kami ng Manila at binabagtas na namin ngayon ang SLEX. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
Saglit lang siyang tumingin sa'kin bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "You'll know when we get there," nakangising sagot niya.
Sa haba ng biyahe namin, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko, nakababa na ang bintana sa tabi ko at isang magandang tanawin ang bumungad sa'kin.
"Nasaan na tayo?"
"Tagaytay," narinig kong sagot niya na agad kong ikinalingon sa direksyon niya. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho.
Seriously? Nasa Tagaytay kami ngayon? mahinang bulong ko sa isip ko bago muling tumingin sa labas. Nakumpirma kong hindi nga siya nagbibiro nang matanaw ko ang Taal Volcano. It's my first time to be here in Tagaytay kaya naman nae-excite ako.
At mas lalo akong na-excite nang makita kung saan pumasok ang sinasakyan namin. Sa Picnic Grove! At pagkababa namin ng kotse, siguro kitang-kita sa mga mata ko ngayon ang sobrang excitement habang iginagala ang paningin sa paligid. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Nate ang kanang kamay ko at basta na lang hinila sa kung saan.
Bahagya akong natigilan nang makita kung saan niya ako dinala. At nakatuon lang ang buong atensyon ko sa mga taong nagho-horseback riding. "We will get one horse. How much?" narinig kong tanong ni Nate sa isang lalaki na mukhang nagtatrabaho rito. "Two hundred per hour po, sir."
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Novela JuvenilSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...