CHAPTER 29: Official [EDITED]

57.7K 1K 43
                                    



MILES


Tumingin ako sa salamin at nakita ko na naman ang pamumugto ng mga mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago lumabas ng kwarto. Nagpaalam na rin ako kina Mama at Miller para pumasok sa school. Alam kong maaga pa para sa unang klase, pero nagpasya na rin akong umalis para makapagpahangin at makapag-isip nang mabuti para sa susunod kong gagawin. Gusto ko pa ring makausap si Nate at linawin sa kanya ang kung anumang hindi namin pagkakaunawaan. 


Natigilan ako nang pagbukas ko ng pinto, may lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namin at nakasandal sa kotse nito habang may hawak na gitara. Parang tinambol ang puso ko nang kumaway at ngumiti siya sa'kin. "Hi! Good morning!" 


Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga? pagtataka ko. At bago pa man ako makapagtanong, muli siyang nagsalita. "Stop, look and listen." Then, he strummed his guitar and started to sing. 


Bahagya akong napangiti nang maging pamilyar sa'kin ang kinakanta niya. Ginawa niyang acoustic version ang When You're Looking Like That ng Westlife. At halos matawa ako nang banggitin niya ang last word sa second stanza ng kanta. He really emphasized the word 'mine'. 


The way he sang the song, para bang ipinaparating niya talaga sa'kin na iyon ang nararamdaman niya ngayon. And every line of it, hindi ko rin maiwasang ikonekta sa nararamdaman ko. 


I'm out of your reach? No, Nate. You're the one that out of my reach. And same here. I don't want to forget you and I don't even want to try. Having you by my side, it's just natural. Nasanay na 'ko sa presensiya mo, mahinang bulong ko pa sa sarili ko. 


Ang mga mata niyang nakatingin sa'kin, punung-puno iyon ng pagmamahal. 'Yung mga matang nagsasabi sa'kin kung gaano niya 'ko kagustong protektahan at alagaan. Malayung-malayo ang tingin niya ngayon sa tinging ibinibigay niya sa'kin nitong mga nakaraang araw. And how am I really supposed to leave you now when you're looking like that? 


Pagkatapos ng kanta, ibinaba niya sa ibabaw ng kotse ang gitara at lumapit sa'kin. Muli siyang ngumiti bago pinunasan ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko habang nakatingin at pinapanood siyang kumanta. 


Pinunasan ko na rin ang kabilang pisngi ko bago ngumiti sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?" 


"Hindi mo ba nakita? Hinarana kita," kunot-noong sagot niya. 


"Ganito kaaga?" 


"Bakit? Sino ba may sabing gabi lang pwedeng mangharana?" 


"Why did you do that?" 


"How do you want me to answer that question? In a long version or short version?" 


Ako naman ngayon ang napakunot ng noo. "Huh? Talagang may long at short version ka pa?" 


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon