CHAPTER 37: Lover's Quarrel [EDITED]

57.1K 980 47
                                    


SAM


"Argh! Ano bang problema mo?!" naiinis na sigaw ko kay Dervin nang basta na lang akong ibagsak sa kama ng silid na pinasukan namin di-kalayuan sa pinanggalingan namin kanina. Hindi man lang nagpakagentleman sa pagbaba sakin. Hmp!


"Do you really have the nerve to ask that question, huh?" sarkastikong sabi niya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam mo kung anong problema ko. Kung anong problema natin. Alam mo ang ipinagkakaganito ko ngayon kaya huwag mo kong tanungin na para bang hindi mo alam," mariing dugtong niya.


"Huh! Babalik na naman ba tayo diyan, Dervin? Hindi ka pa ba tapos sa mga dapat mong sabihin kanina?"


"Oo at uulitin ko sayo para maintindihan mo! Narito tayo para sa date natin at hindi para subaybayan ang date nina Captain! You have a boyfriend and that's me! May sarili tayong love life kaya sana naman ay iyon ang una mong pagtuunan ng pansin bago ang lovelife ng iba!" he shouted.


I just shrugged and rolled my eyes at him. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya kahit ang totoo, aminado akong may kasalanan ako sa hindi namin pagkakaunawaan ngayon.


"Are you listening, Samantha Nicole?"


Inirapan ko lang siya. Ramdam ko ang mataman niyang pagtitig sakin. Then after a few minutes, muli siyang nagsalita. "Do you want to break up with me?"


Nanlalaki ang mga matang binalingan ko siya ng tingin. "Konting misunderstanding lang, break up na agad?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bigla rin akong natakot dahil baka totohanin niya iyon base na rin sa kaseryosohan ng tinig niya.


"If you don't want to break up with me, then stop spying on your best friend's date! May date rin naman tayo kaya sana naman nasa akin ang buong atensyon mo. Pinagbigyan na nga namin kayo nang nasa Picnic Grove tayo, di ba? Hinayaan namin kayo ni Max na subaybayan at panoorin ang date nina Miles at Captain dahil natuwa rin kami ni Juice na makita silang dalawa. Pero, sobra naman yata kung hanggang sa pagsasayaw natin sa restaurant kanina ay nasa kanila pa rin ang buong atensyon mo imbes na sakin!"


Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Imbes na sa kanya ang tingin ko at ine-enjoy ang pagsasayaw namin sa Josephine Restaurant, na kina Bhest at Nathan ang buong atensyon ko. Dahil doon, nainis siya sakin na ginatungan ko pa at hindi siya inintindi kaya nag-away kami.


Sumobra na nga ba ako? Sumobra nga ba kami ni Max kanina? mahinang bulong ko sa sarili ko.


"Sa palagay mo, sinong boyfriend ang matutuwa kung ang kasayaw niyang girlfriend ay mas gusto pang pagtuunan ng pansin ang ibang couple kaysa makasama siya?"


Mas lalo akong nakaramdam ng guilt at hiya sa kanya. Hindi ko magawang magsalita at tumingin sa kanya. At napayuko na lang ako nang magsimulang mangilid ang luha sa mata ko. I bit my lower lip to resist it. Kasalanan ko naman kung bakit kami magkaaway ngayon kaya may karapatan siyang magalit sakin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasaktan ko siya.


Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang ang paglapit niya at pag-upo sa harapan ko. Itinaas niya ang baba ko at parang gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig niya sakin. Love and tenderness were written all over his face.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon