Mahigit isang linggo na ako ngayon dito sa bahay. Nakakabagot na dito! Kung umalis nalang kaya ako dito? At makipagpatayan sa mga zombies? "HINDI! AYOKO! Mamaya mamatay pa ako ng di oras." sabi ko sa sarili ko.
Di ko na talaga alam kung anong gagawin kong plano. Gutom na din ako kasi ako. Eh naubos ko yung pagkain dito. Wala eh! Dakilang matakaw eh. Nagready na lang ako ng gamit. Pinagkasiya ko lahat ng baril sa malaking bag na pahaba. Pero di siya kasya. Kaya iniwan ko na lang yung ibang baril. Nilagay ko na din sa backpack ko water, ilang damit, flashlight, kutsilyo sa kusina helpful din yun aba! At iba pang magagamit.
Ready na ako.
"Pero tinatamad ako." Kaya humiga na lang ako sa kama. Tingin niyo mabubuhat ko yung mga yon?! Aba! Goodluck na lang sakin. "Aish! Bukas na lang akong madaling araw aalis."
---
Sakto alas tres ng umaga. Nagising ako. Naalala ko yung nabasa ko sa Facebook dati na kapag nagising ka ng 3 o'clock ng madaling araw. May nakatingin or nakatitig sayo. Napatingin naman ako sa paligid ko. "Ang tanga mo Aliyah! Tinatakot mo pa sarili mo eh ikaw na nga lang mag isa!" Sabi ko sa sarili ko
Naligo nalang ako. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Kinuha ko na yung baril tska yung mga bag na dadalhin ko. Isinara ko na yung bahay. Tinatagan ko sarili ko sa adventure na gagawin ko. Sinakyan ko ulit yung sasakyang sinakyan namin ni Pat papunta dito. Naalala ko tuloy bestfriendko sana okay lang yun ngayon. Bago ako sumakay may asong lumapit sakin. Nakakaawa siya hindi dahil gusgusin siya ewan ko sa itsura niya kasi nakakaawa.
"Hi" Tas sumaya siya. Dinilaan niya ako sa pisngi. Nakita ko yung pendat niya "Fido" "Oh so Fido pala pangalan mo?" Tas tumahol siya. Dahil sa nakakaawa siya at maamo. Sinakay ko na lang siya sa sasakyan. Sasama ko siya para naman kahit papaano may makakausap ako kahit hindi niya ako sasagutin.
---
Habang nasa biyahe ako. wala tahimik lang ako at si Fido kung saan saan kami pumunta.
Stop over dito
Stop over doon.
"Hays! wala again gas!" bwiset na buhay to. Tumingin sakin si Fido na nakalabas dila "No choice walk trip tayo Fido. Game ka ba?" Tumahol siya. Buhay nga naman! Dito pa kami nawalan ng gas sa tapat ng gubat. tsk. Delikado to. Lumabas na ako ng kotse at binuksan yung kabila para makalabas si Fido. Pumasok na kami sa gubat at takot na takot sa loob looban ko. Pero sa labas pokerface. Di ko din alam kung baket kami pumasok sa gubat na to.
Dahan dahan akong naglakad. Si Fido yung nauuna. Niready ko yung baril ko sakaling may lumapit saming zombies. Kada may lalapit kay Fido binabaril ko iyon. Aba! Siya na nga lang kasama ko. Hahayaan ko pa ba? Kahit aso yan! May buhay yan.
Nagtataka ba kayo kung bakit andami kong alam tungkol sa mgazombies? Mahilig kase ako sa mga zombie movie. Kaya may alam ako. Natutunan ko din na wag agad agad mag tiwala sa mga kapwa survivors kase minsan may binabalak sila.
Habang naglalakad kami sa kawalan. May pumana sa walker na papalapit kay Fido siya kase yung nauuna. Babarilin ko sana kaso walang hiya naman tong taong to. Hinanap ko kung sino pumana don.
"HI!"
"AY PUSANG GALA!" Humarap ako sa taong yun.
"SINO KA?!" Tanong ko at tinutukan siya ng baril. Naalarma naman si Fido at nagsimula kumahol
Binaba niya yung baril na nakatutok sakaniya gamit ng hintuturo niya.
"HI! I'm Trisha Pampilo." Makangiti naman to. Nakipagshakehands ako
"Aliyah Smith."
"Ngayon ka lang dito?" Tanong niya pa. Naglakad na ako. Sumunod naman tong gagang to.
"Oo. Fido sshh quiet."
"Aso mo?" hinawakan niya to pero napaamo niya si Fido
"Hindi ba halata?"
"Ah tara! May kampo kami dun medyo malayo pa dito. Pero kayang kayang lakarin." Hindi ko siya pinansin. Nagstart na akong maglakad
"Ano? Sasama ka?" Tumango na lang ako.
"Tara!" Hinigit naman niya ako.
---
Natakbo na kami ngayon. Hinahabol na kami ngayon ng mga zombies. Natakbo na din sila. Parang kanina mabagal lang sila ah. Naglalakad lang sila kanina tas ngayon natakbo na sila. Nakakapagtaka.. Nadapa si Trisha.
"Aray!" sigaw niya. Nakita kong malapit na yung mga zombies. Sh*t agad agad kong tinayo si Trisha. Kinuha ko yung baril na nakaipit sa gilid ng pantalon ko. At nag simula ng bumaril. Habang nakakalayo kami, natigil ako para barilin ang mga sumusunod samin.
Nang maubos sila tumigil kami saglit "Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Trisha
"Oo ayos lang ako! Tara na! baka masense pa tayo ng ibang zombies"
At tumakbo na kami nun.
---
"Ayan nandito na tayo." Masigla niyang sabi
"Yun ba yung sinasabi mong medyo malapit?! Halos tatlong oras tayo naglakad ah!" Hingal na hingal ako
"Nasa gitna kase to ng gubat! Eh yung kanina na sa unahan pa yun." Ngumiti siya ng malapad. Nauna siya.
"Guys! Meron tayo bagong kaibigan" sabi ni trisha. Mga babae sila. Pero di ko gusto mga tingin nila. Kumahol si Fido at tila galit na galit. "Siya nga pala si Aliyah." Introduce sakin ni Trisha
"Pwede bang patahimikin mo yang askal mo?!" Mataray na sabi nung isa at umirap pa.
"Fido quiet mga kaibigan sila." Kaibigan huh? Tss wala akong tiwala dito sa mga to. Pero kay trisha okay pa.
"Ako nga pala si --" Pinutol ko sasabihin nung isa pa nilang kasama. 6 sila kasama na si Trisha dun
"No wag na. Hindi din ako magtatagal dito. Magpapalipas lang ako ng gabi." sabi ko sakanila
"WHHHAAAT?!" Sabi ni Trisha
"buti naman." Sabi nung isang babaeng medyo chubby. Pabulong pero rinig ko
"Kaya ko naman mag isa tska kasama ko naman tong aso ko." sabi ko saknila
"Ah sige. Kung yan ang gusto mo okay lang." Sabi nung isa na medyo matangkad. Halata namang plastik tss
"Tara Aliyah dito ka muna sa tent ko matulog." Sabi ni Trisha sumunod naman ako sakaniya. Pumasok ako at pumasok din siya. Si Fido nasa labas lang.
"Sure ka bang hindi ka magtatagal dito?" Panimula niya
"Oo. Sige na matutulog na ako."
"A-ah sige pag may kaylangan ka tawagin mo lang ako."
Lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
ActionNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...