Walkers Twentythree

2.8K 79 0
                                    

ALIYAH'S POV

Kung saan saan na kami nakarating. Naghahanap kami ng bagong matitirhan. Yung secured na talaga. Wunya! Ilang beses na kami napapasukan ng zombies eh! Nakakainis.

Ganun parin naman pwesto namin si Carlo nagdadrive ako nakahiga sa taas ng double deck si Patrisha at Yvette ayun naka nganga habang tulog malagyan nga ng dumi. Si Tristan dito na din nakapwesto katabi niya si Carlo ayaw niya na daw sa truck masyado dawng nakakainit ng ulo si Ethan.

Si Pia Aira at Vhon nandun sa kabilang couch tulog din hahaha grabe nakakaya nilang matulog nang nakaupo? Ako eto searching for some dirt na pwedeng ilagay sa bunganga ng dalawa kong kaibigan. Badgirl na kung badgirl atleast masaya

Lalagyan ko na sana yung bibig nila kaso may umepal -_____-

"Hoy! Anong gagawin mo?!" Sabi ni Tristan sakin.

"Kita mo naman yung gagawin ko diba? Kaylangan pa ba tanungin yon?!"

"Masama yan ah? Tigilan mo yan Aliyah!"

"Masama agad? Bakit labag ba to sa Ten Commandments para maging masama to?!"

"Kahit na tigilan mo yan!"

"Oy Aliyah ano yang hawak mo? At bakit nakatapat sakin yan?!" Nagising tuloy si Yvette! Ugh nagising tuloy! Kaya bilang paninira nag trip ko binatukan ko sa Tristan

"Ba't ka nambabatok?!" Inis na sabi ni Tristan

"Eh basag trip ka eh! Yan tuloy gising na si Yvette ! Di ko na tuloy na gawa yung trip ko!!" Sigaw ko sakaniya

"Ah so ganun? Pagtitripan mo ko?!" Sabi ni Yvette, pero di ko siya pinansin.

"Pinipigilan lang naman kita sa masama mong trip eh! Tanda tanda mo na! Ilan taon ka na ba? Dalawangpu't tatlo! Pang highschool parin trip mo?!" Sigaw din sakin ni Tristan. This time nakatayo na siya sa harap ko.

"Pakelam mo ba?!!" Umakyat na ako sa doubledeck.

"Uuuuyyyy LQ nanaman sila!!" Asar samin ni Yvette, psh bwiset.

Bigla namang tumigil yung sasakyan.

"Oy anyare?" Tanong ko sakanila, pero di nila ko pinansin. Bumaba sila syempre baba din ako!

Kita ko namang bumaba na din yung iba sa nga sasakyan nila.

"Hindi tayo makakadaan dito." Sabi ni Carlo, Nasa express way kasi kami. eh nakaharang yung mga sasakyan. 

"Alam namin! Di kami bulag" Sabi ko, siniko ako ni Patrisha

"Etong si Aliyah, minsan na nga lang magsalita si Carlo babarahin pa!" Sabi naman ni Tristan

"Pakelam mo ba?!" At inirapan lang ako! gago to ah! pektusan ko na ba?

Natigilan kami nung makarinig kami ng ungol.. Ungol galing sa zombies. Umatras kami hinahanap kung saan galing ung tunog na yun.

Nagsilabasan na sila sa mga sasakyan. Kaya sinimulan ko na bumaril at ganun din ang iba.

"Ah putangina!" sigaw ni Patrisha, lumingon agad ako don at pinaputukan yung nakahawak sakaniya.

Meron ding zombies sa gilid ng express way, at meron din sa likod namin. Ano to? Trap?! Aba napaka talino naman netong mga zombies na to. Baril lang ako ng baril! Hindi ko na nga alam kung natama pa ba sa mga zombies e

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon