Walkers Twenty

2.7K 76 2
                                    

ALIYAH'S POV

Simula nung dumating si Ethan dito, hindi na ako nalabas ng kwarto. Kung paano ako nakakakain? Malamang nanguya! De joke, pinapadalhan nila ako dito. Minsan nga yung mga iba kong kapwa survivors sinasabayan ako kumain dito eh.

"Aliyah! Tara swimming tayo!" Masiglang sabi ni Yvette na kakapasok lang.

"Uh.. Ayoko." Sabi ko

"Ayaw mo kase ayaw mong magswimming o ayaw mo kase ayaw mong makita yang Ex mo?" Tanong niya, nginitian ko lang siya "Hay nako Aliyah, you should move on. Oo alam kong mahirap mag move lalo na't nadyan lang siya sa paligid pero girl, kaylangan mong maging strong! Kapag nalalaman niya ganyan ka parin sakaniya, lalaki ulo nun." Sabi niya, hindi ko siya pinansin. Siguro nga kaylangan ko ng maging malakas. Ayoko ng tatapakan lang ako.

Tumayo ako at kinuha yung bathing suit ko, naka bathing suit at shorts si Yvette eh. Pumasok ako sa banyo then nagbihis. Pagkalabas ko

"WOW! Ang Sexy mo Aliyah!" Sabi ni Yvette na manghang mangha.

"Hindi naman." Syempre kaylangan polite ka.

"So tara na?" Hindi ko siya sinagot, nag aayos pa ko eh, or shall i say nagpapaganda.. Bakit nga ba ako nagpapaganda? para saan pa? Tss

Pagkababa namin walang tao, ayun nagsuswimming na pala sa dagat. Naka loose tshirt pa ako tas naka shorts. Aba ayoko munang magswimming no. Umupo muna ako sa upuan malapit sa mga cottages.

Pinapanuod ko lang sila na masaya. Maganda na pala pakikitungo nila kay Ethan.

"Uy girl! Ayaw mo magswimming?" Tanong ni Yvette

"Maya na" nginitian ko siya at inirapan niya lang ako at dumeretso na sa siya sa dagat.

Mga 10 minutes na nakalipas naglagay na ako ng Sun Block. Pagtapos ko nun naghubad na ako ng tshirt then pumunta sa Dagat.

Parang mga tanga to eh, Ngayon lang nakakita ng nakabathing suit? Eh lahat naman ng babae naka ganun. Nakatingin kasi sila sakin na parang mga tanga

"WHAT?!" Inis kong sabi

"W-wala naman, nagulat lang kami na lumabas ka na sa kwarto mo." Sabi ni Trisha

"And ang sexy mo!" Sabi ni Tristan, Binasa ko siya at inirapan

"Bastos!" sabi ko sakaniya.

Nagsimula na kong magswimming, Okay naman masaya.

Natigilan kami sa kasayahan nung may sumisigaw "TULO--bsjwbzsa!!" lumingon ako sa medyo malalim na parteng dagat...

"Si Yvette nalulunod!" sigaw ko

Sasagipin ko na sana siya pero nauna na si Ethan dun. Hinintay lang namin siya madala si Yvette sa tabing dagat. Hiniga namin to at pinapump ko yung dibdib niya. Nawalan siya ng malay e.

"Guys sino marunong mag CPR dito?! Dali!" Lumapit parehas si Ethan at Tristan, Awch

"Hoy! Dalian niyo na dyan!" Alalang sabi ni Patty, agad namang ginawa ni Ethan yun. AWCH

*cough cough* "*gasp* Salamat!" Sabi ni Yvette at niyakap si Ethan, nakatingin lang ako sakanila. Masakit kaya! Hanggang ngayon Jerk parin siya. Ginagawa niya ang lahat para magselos lang ako. 

Umalis na ako dun, dumeretso ako sa cottage na may pagkain at lumamon dun.

"Masakit parin ba?" Natigilan ako sa pagkain, pero tinuloy ko na lang ulit at hindi siya pinansin. Tumawa siya ng mahina. Sa inis ko tinusok ko yung tinidor sa karne ng malakas  "Iba na talaga ang kagwapuhan ko. Hanggang ngayon patay na patay ka parin sakin." Hula ko nakasmirk siya ngayon. Lagi naman siya ganun kapag nagyayabang.

Tumayo na ako, at nilagpasan siya. Hinawakan niya braso ko.

"Aliyah" Tawag niya sakin. Lumingon ako sakaniya at binawi yung braso ko. "Sino ka ba?!" Sinabi ko. At umalis don, umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Saka dumeretcho sa pools, sa pinakatuktok ng building na to.

---

TRISTAN'S POV

Nag iinit na ulo ko sa Ethan na yun. Lagi na lang nakikipag kompitensya sakin. psh hayaan na nga, wala naman siyang laban sa kagwapuhan ko. Sa ngayon hinahanap ko si Aliyah. Pagkatapos kasi maligtas si Yvette hindi ko na siya nakita.

"Patrisha nakita mo si Aliyah?" Pero umiling siya

"Coleen nakita mo si Aliyah?"

"Nope why?" Hindi ko na siya pinansin at umakyat sa kwarto nila. Pero wala siya dun.

Asan na ba yun? Nilibot ko na buong building pati parking lot nilibot ko pero wala siya dun

"Uy Tristan sino ba hinahanap mo? Kanina ka pa paikot ikot ah?" Tanong ni Trisha.

"Hindi ko kase makita si Aliyah. Nilibot ko na buong resort pero wala parin." Umupo ako sa malapit na upuan sakin. At hinilamos yung mukha ko.

"Nandyan lang yan Tristan. Hindi naman basta basta aalis si Aliyah eh." Sabi ni Yvette

Nandito kasi kami ngayon sa Lobby. Pagabi na din kasi. "Aish!" Naiinis na talaga ako.

"Tara nga hanapin natin" Sabi ni Duke

Hinanap namin si Aliyah iniisa isa pa namin yung mga kwarto. Pero wala parin. May nakita si Ethan na hagdanan paakyat parang eto yung roof deck may pinto na bakal pero lock ito.

"Ay eto Susi oh" Sabi ni Carlo at binuksan namin yun. And there! Nakita namin siya nakaupo sa gilid ng Pool.

"Aliyah!" Tawag ko tumingin siya sakin

"U-umiyak ka?" tanong ko, bigla siyang umiwas at pinahid yung luha niya.

"Paano kayo nakapasok? Nilock ko yan ah?" Sabi niya nang hindi nakatingin samin. Nakatingin lang kami sakaniya. Siya naka iwas parin. "Wag niyo kong alalahanin. Okay lang ako" pero pumiyok siya

"Guys iwan niyo muna kami ng bestfriend ko." Sabi ni Patrisha, sinunod naman namin yun.

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon