ALIYAH'S POV
Bwiset! Tatlong araw na akong nakahilatay dito sa kama. Ayaw nila akong patayuin baka daw mabinat ako. OA eh. Tumayo ako wala namang nagbabantay sakin eh. Haha! Eh sa matigas ulo ko eh
Pagkalabas ko ng kwarto walang tao kaya lumabas ako ng bahay pero wala parin nilibot ko buong bahay pero wala yung iba si Aljon lang nakita ko nasa Lab niya tinanong ko kung nasan yung iba sabi niya di niya alam. Bumalik ako ng kwarto para kumuha ng baril magbabantay na lang ako. Umakyat ako ng bubong, nandito din si Jonah
"Oh Aliyah sabing wag kang tatayo at baka mabinat ka!"
"Eto oh tumayo ako tas hinanap ko pa kayo sa buong bahay oh nabinat ba ako?" Nagcross arms ako at inirapan siya. Tumingin ako sa Gate ng bahay. Shit ang daming zombies na papunta dito.
"JONAH!" Tawag ko sakaniya ng hindi nalingon
"Oh bakit?" lumapit siya sakin at tinignan yung tinitingnan ko. "Sh*t" She Cussed.
"Baba dali." sabi ni Jonah. Kaya sinunod ko. Pumunta siya sa lab ni Aljon ako sa kwarto kumuha ako ng baril at saka sumunod na don.
"Jonah" Binigay ko sa kanya yung Rifle na dala ko.
"Pero di nga ako marunong gumamit neto!"
"Sa panahon ngayon! Kaylangan mong gumamit nan!" Lumabas na ako ng bahay para barilin yung mga malapit na sa bahay namin. Bumalik naman agad ako sa Lab
"Guys! Kaylangan na natin umalis dito!" sabi ko
"Huh? Bakit?!!" Tanong ni Aljon
"Ang dami ng zombies sa labas kinakalabog nila yung gate natin!"
"Pero hindi ko kayang iwan ang laboratory ko." Sabi ni Aljon. Tumingin ako kay Jonah. Tumango siya. Pumunta na ako sa kwarto at si Jonah sa bubong. Kinuha ko na yung mga baril na kayang dalhin at yung ibang armas ng mga kaibigan ko. Bumalik ako sa Lab at binigay ang ilang baril at bala kay Aljon.
"Lock mo tong pinto mo okay? Wag na wag kang lalabas dito! Promise babalikan ka namin!" Yan lang ang sinabi ko at umalis na. Pumunta na din akong bubong. Tumalon kami ni Jonah sa likod ng bahay. Bukid pala likod neto.
"Aliyah! I'm so scared." Mangiyak ngiyak nasabi ni Jonah.
"Ang drama mo! Masanay ka na halos lahat nang tao, zombie na. Siguro mga 1/8 na lang ang mga natitirang tao ngayon!" Sabi ko sakaniya habang naglalakad.
"OMAYGOD!" Nagulat ako sa pag sigaw niya at napatingin sakaniya, nakasunod kasi siya sakin.
"Seryoso?! huhuhu paano na yung mga kapatid ko sa probinsya? huhuhu edi zombies na din sila? NOOO--" Tinakpan ko bibig niya mamaya matunton kami ng mga zombies. Aaaaand Shit eto na nga sinasabi ko! tsk "Shit Aliyah! Mga zombies!" Tumakbo siya sa likod ko.
"Tara bilis!" Tumakbo na kami binabaril ko sila kahit natakbo ako at dahil mga stupid ang mga zombies hindi nila kami nahabol. Haha.
Nakahanap kami ng matataguan. Simpleng bahay lang siya actually. Madilim siya pero kita parin yung paligid ang gulo may mga bakas din ng dugo pero wala kaming nakitang bangkay ng zombies. Umupo si Jonah sa sofa ako nilibot ko pa yung bahay. Malay mo may naligaw dyan. Maging patay na buhay pa kami ng wala sa oras. Sumilip ako sa kwarto "AAAAAAH!"
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
ActionNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...