Walkers Thirteen

2.9K 91 3
                                    

ALIYAH'S POV

Nagulat ako sa putok ng baril. Hinanap ko kung saan nanggaling yun. Group of survivors kaya tinutukan nila agad ako ng baril.

"I'm not a zombie okay?" sabi ko

"anong ginagawa mo dito?!" Mataray na tanong nung isa

"Malamang nakain bawal na ba?" sagot ko, magsasalita na sana siya pero pinigilan siya nung lalake.

"Anong pangalan mo?" tanong nung lalakeng pumigil sa mataray na babae

"Aliyah Smith." sabay ngiti at lahad ng kamay, inabot naman yun ng isa pang babae. "Aira Lafradez" Sabi niya, she's pretty

"Sofia Dimapilis." Sabi nung isa pang babae na maganda din, pero may braces siya.

"Lea De Jesus, Bestfriend ni Aira." Sabi nung mataray kanina, brown ang buhok neto tas mahaba, maganda din siya.

"Jordan Bundoc, Boyfriend niya ako." Proud niyang sabi at inakbayan yung Lea. Sweet :) Nakabraces din siya tas gwapo na din

"Vhon Tabuco." Sabi pa nung  isang lalake na medyo rakista ang datingan.

"Kim Inong." sabi nung isang babae na nakalayered ang buhok tas maikli.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong nung Aira

"Yup. Well, kaylan pa kayo dito?" tanong ko sakanila

"Last week lang." 

"Nacheck niyo na ba lahat ng corner netong mall? Nakakasigurado ba kayong safe to?" Umiling sila. Nanlaki naman mata ko "Sumunod kayo sakin."

"Hoy saan mo kami dadalhin?" Tanong nung Lea habang naglalakad kami hinahanap ko kung saan ko pinark yung bus ko

"Aalis na dito malamang." Naglalakad parin kami

"Seryoso? Aalis tayo? Eh delikado sa labas ah?" Sabi ata nung Vhon ewan basta lalake yung nagsalita

"Nakaya ko ngang ipaglaban buhay ko sa mga zombies, syempre kayo kaya niyo din. Mga armado naman kayo eh" This time naka harap na ako sakanila.

"Hindi ka natatakot sa mga zombies na yon?" Tanong nung Jordan

"Nung una oo pero ngayon nasanay na din ako sa nakakadiri nilang pagmumukha." sagot ko at nagsimula na ulit maglakad

 Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng ungol ng zombie.

"Ano yun?!" Tanong nung Lea 

"Zombies yun, Dali dito."  Nakita ko na yung bus kaya tumakbo na ako at nagstart na akong bumaril sa likudan namin pero yung mga survivors hindi alam ang gagawin. "Ano? Magpapakain nalang ba kayo?! Lumaban kayo! Wag kayong tanga! Para san pa yang mga dala niyong armas kung di niyo gagamitin?!" Sigaw ko sakanila habang nabaril, lock nga pala yung glass door ng mall "Bumaril lang kayo! Sa ulo niyo itama!" sigaw ko habang pinupukpok yung kadena sa glass door. Dahil nag papatagal lang yon kinuha ko yung itak na dala nung Vhon at tinama ko yun mismo sa glass door. Lumabas na ako "Guys!! Dalian niyo pasok dito!!" Pumasok na sila sa loob ng bus ko at agad na isinara yon.

Wala akong ibang marining kundi ang paghabol namin ng hininga. "Ano guys? Kaya niyo pa ba?" Pero walang sumagot "Nakita niyo na kung gaano nila tayo gustong papakin?" Hinihingal parin kaming lahat sila nakaupo na sa couch ako nakatayo

"Nakaya mong lumaban nang ganon karami? Nang mag isa lang?" Tanong nung Vhon, tumango ako. "Kaylangan kasi, ayokong mamatay nang kinakain lng ng mga zombies na yan."

Biglang kumalabog yung bus. Matik na dumerecho ako sa driver's seat at umalis na kami don.

"Okay ka lang?" Rinig kong tanong nung Jordan sa Girlfriend niya. 

"Oo." Pero halatang nahihirapan siyang huminga

"May tubig diyan sa ref pati unting pagkain, kumuha na lang kayo dyan." Sabi ko habang nagdadrive

END OF ALIYAH'S POV

---

TRISTAN'S POV

Pagabi na pero hindi pa namin nakikita si Aliyah.  Nasan na ba kase yung babaeng yon? Nag iinit parin ulo ko kanila Aljon at Jonah! Hayaan ba daw'ng umalis si Aliyah. Pero sa tingin ko hindi talaga yun yung dahilan eh.

"Tristan, uwi na tayo." Sabi sakin ni Coleen, tumango nalang ako at nag U-turn na.

---

"Ano nakita niyo na ba si Aliyah?" Tanong ni Aljon, hindi ko siya pinansin at derederetso sa kwarto.  Humiga  na agad ako.

Kung na saan ka man ngayon Aliyah sana okay ka lang. Mag iingat ka ha! Aaminin ko pa sayo tong nararamdaman ko sayo.

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon