Walkers Eleven

2.8K 85 5
                                    

ALIYAH'S POV

Pagkabukas ng pinto ni Duke. Isang lalake ang bumulaga samin duguan siya pero hindi naman ata siya nakagat. Pero tinutukan parin namin siya. Baka sakali lang naman diba?

"Salamat kapwa survivors at niligtas niyo ko!" Sabi nung lalaki na nakaluhod at nakatungo. Nagulat kami may kumalabog ulit pero this time alam na namin kung ano yun.

"Omaygad! Saan na tayo lalabas neto? Eh maliliit ang mga bintana dito! Mamatay na tayo!"  Oa talaga ni Jonah kahit kaylan e

"teka, oy nakagat ka ba o  nakalmot ng mga zombie?" Tanong ko. Nanlaki mata niya tas sabi niya hindi daw pero s-stutter siya. I don't trust him. Wala kasi si Fido, si Fido kase yung nagdedetect kung mapagkakatiwalaan yung mga survivor na nakakasalamuha namin.

"Guys dito!." Sabi ni Duke tas may hinila siya sa kisame tas may ladder, attic ata yun. Unang umakyat si Jonah sunod ako hinintay namin yung dalawang lalake. Umakyat na yung kakadating lang huli si Duke. May binuksan si duke sa likod. Sumilip ako sa malaking bintana, likod to nung bahay. Tumalon na si Jonah sumunod si Duke. Napansin ko namang hindi ko nakikita yung lalake na kadadating lang, nilibot ko mata ko. Nakaramdam ako ng  parangkakaiba kaya agad akong  humarap sa likod ....

"AAAAAHHHH" sigaw ko narinig ko namang tinatawag ako ng kasama ko.  Sinipa ko yung lalake kanina na muntik ako makagat sa balikat. At dahil madilim sa attic hindi ko siya makita. Lumapit ako sa bintana para may unting liwanag. Narinig ko yung ungol niya kaya don ko pinutok yung baril ko. Naghintay ako ng ilang segundo kung napatay ko ba talaga yung lalaki kanina.

Tatalon na sana ako pero wala na sila Duke at Jonah doon puro zombies na lang na gusto akong kainin. Walanghiya yong mga yon. Binaril ko yung zombies na nandoon hanggang sa maubos sila. kasi kung hahayaan ko lang sila dyan di ako makakaalis dito. Tumalon na ako at nagsimulang tumakbo. I turn my head para makita yung bahay pero imbis na yung bahay ang makita ko, mga zombies na tila mukha 1000 years nang hindi nakakakain and natakbo sila.

May nakita akong isang parang warehouse at nagtago dun. Umupo ako dun sa isang upuan nakakapagod kayang tumakbo. Nakaramdam ako ng kakaiba, at rinig ko yung mga ungol ng zombies. Shet another group of zombies nanaman? konti na lang ammo ko, wala pa akong dalang ibang armas. Tumakbo ako sa isang kwarto, i hide there and sat at the dark corner of the room. Nung umupo ako parang malamig yung inuupan ko pero hindi ko na pinansin. Nung ramdam kong nagalaw yung naupuan ko tatayo na sana ako pero nahawakan niya ako and.....

"AAAAAAAHHHHHHH"

END OF ALIYAH'S  POV

---

DUKE'S POV

Nakarinig kami ng isang sigaw sa loob ng warehouse na nadaanan namin.

"Duke! Si Aliyah yon!" Nanlaki mata ko. Agad tumakbo si Jonah sa loob, tinawag ko siya pero hindi niya ako nililingon kaya no choice sumunod ako.

Nakita ko si Jonah nakanganga sa harap ni Aliyah. Nakagat siya sa braso pero patay na yung zombie'ng kumagat sakaniya. Umatras si Jonah halata sa mukha ni Jonah yung takot. Ako hindi makapaniwala at nakatingin sa braso ni Aliyah. Nanlaki lalo ang mata ko nung gumaling yung sugat niya, pati si Jonah at Aliyah Nagulat  sa nangyari. 

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon