Walkers Twentyone

2.7K 77 1
                                    

TRISHA'S POV

Habang nagpaplano kami dito sa Office ni Carlo, narinig naming bumukas ng malakas ang Gate. Nagkatinginan kami nun at saka pumunta sa gate. Pero bago pa kami makalabas ng building nakita naming may daan daang zombies ang papunta dito. At merong isang sasakyan, na dumating, bumaba ang isang babae at isang lalake. Pumutok na sila ng baril, kami din nag simula na. Sila Tristan at Coleene nag simula ng umatake. Ako at si Yvette naman nagsimula nang mamana. Naramdaman ko namang nasa likod na namin sila Ailyah at Patrisha. Tumulong na din silang  pumatay

Wala na akong arrows, kaya lumapit ako sa mga zombies na natamaan ko at hinigit yung mga arrows sa ulo nila at itinatama sa zombie na malapit sakin. Yung ibang nabaril, binubugbog na lang yung mga zombies pero may nabaril pa naman.

"Guys! Pasok dali!" Sabi ni Ethan, sinunod namin yun at nilock niya yung pinto. Agad namang kumalabog yun. "Hindi natin sila kaya, masyado silang madami para satin. Mauubos yung mga bala natin kapag kinalaban pa natin sila. Kaylangang maka alis tayo dito." Sabi pa niya

"Agree ako, masyado silang madami." Sabi ko

"Paano ba nakapasok ang mga zombies?" Tanong ni Aliyah, na nakakunot ang noo. Napatingin kami sa dalawang bagong tao.

"Sino kayo?" Tanong ni Tristan. Pero hindi namin sila tinutukan ng armas, aba normal lang naman itsura nila

"Ako si Donald" Sabi nung lalake inextend niya kamay niya pero walang umabot non. Kaya binawi na lang niya

"Ako naman si Alex." Sabi ni Alex at ngumiti na lang.

"Ba't ba kayo hinahabol ng mga zombie?" Tanong ni Yvette

"Sinasadya naming mag pahabol sa kanila, kasi ang plano namin patayin ang lahat ng zombie" Sabi ni Alex na proud na proud pa siya.

"At gagawin niyo yun ng kayong dalawa lang?" Tanong ni Aliyah, tumango sila

"Yep, Actually nakapatay na kami ng 2,768 plus yung kanina 32. so total of 2, 818 tapos yung kanya pa.." sabi ni Donald. Tumingin siya at kami kay Alex.

"24.. so 2,842 na ang napatay namin." Ngumiti pa sila.

"Wow!" Sabi ni Tristan, kami nganga

"Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ni Coleene

"Sa Laguna." Sabay sila

"Laguna?" Tanong ni Aliyah pero mahina lang yun

"Guys! Malapit na masira yung pinto, magchichikahan na lang ba kayo dyan?" Sabi ni Jonah

"Ganto guys, bubuksan natin yan--" Sabi nung Alex

"Mamatay tayo" putol ni Ethan kay Alex

"patapusin mo muna kasi ako." At inirapan ni Alex si Ethan "So bubuksan natin yan, yung ibang may baril at may pana ang makikipaglaban kasama na ako dun. At Donald ikaw ang maglead sa iba." Sabi ni Alex

"Teka sino sino yung nasakin?" Tanong ni Donald

"Ako." Nagraise nanghand sina Jonah, Carlo, Aljon at Yvette

"Patty sumama ka na kila Donald." Sabi ni Aliyah kay Patrisha

"Bakit?"

"Basta sakanila ka na." Sabi ni Aliyah, tumango si Patrisha. At sumunod na kila Donalad pumunta sila sa taas

"Oh tayo ang lalaban okay?" Sabi ni Alex

"Teka ano bang plano niyo ha?" Tanong ni Tristan

"Basta sumunod na lang kayo sa sinabi namin. Pag sumigaw ako ng takbo pupunta tayo sa mga tabing dagat okay?" Sabi ni Alex

Binuksan na ni Duke yung pinto at kita naming gutom na gutom na ang mga zombies na to. Nagsimula na kami makipaglaban.  Habang nabaril kami sumigaw na si Alex "TAAAAKBOO!" Tumakbo kami sa dagat at nakarinig kami ng Pagsabog.

Naubos yung kalahati ng Zombies. Nung nagtakbuhan na sila samin, automatic na nagsimula na kami lumaban. Nakita ko naman sila Jonah sa Front door galing sa taas. Lumaban din sila.

Nung natapos na, kanya kanyang higa kami. Nakakapagod kaya.

"Tara na." Sabi ni Aliyah, pumunta na sila sa bus nila. Kami nila Tristan sa Truck namin at yung dalawang bago nasa sasakyan nila.

---

ALIYAH'S POV

Nakakapagod yung ginawa namin kanina. Langya tagaktak ako ng pawis eh. Nandito na kami sa bus si Carlo ang nagdadrive, at kami yung naglilead kung saan kami pupunta.

"Guys liligo lang ako." Sabi ko, at dumeretso sa shower room. Habang naliligo ako, naaalala ko yung mga bagay na nangyari sakin at samin. Pang limang buwan na pala simula nung kumalat yung virus. Ang dami nang nawala sakin, ang dami din namang pumalit. Sila Sofia kaya kamusta? hays..

Napatigil ako sa pagiisip ko nung sumigaw si Yvette "Aliyah matagal ka paba dyan?!"

"Eto patapos na." nag banlaw na ako at nagbihis saka lumabas sa shower room.

Umupo lang ako sa couch habang naka tingin sa labas. 

"Si Ethan yan no?" Tinignan ko ang nagsalita, Si Patty. Nginitian ko lang siya

"Haynako. Kalimutan na kasi, yan ang dahilan kung bakit napanget mata mo eh." At pinunasan niya luha ko. Naiyak pala ako.

"Hirap naman kase eh. Nandyan lang siya sa tabi, paano ko makakalimutan?" Sabi ko

"Simple lang. Just act natural. Makisama ka sakaniya. Pretend na wala ng pain." Sabi ni patty

"Pretend? Mahirap yun." Sabi ko

"Just do what I say nung nasa pool tayo okay?" Sabi niya at umalis.

Tumingin ulit ako sa labas. Siguro nga hindi ko na dapat isipin yon. 

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon