Nagising ako sa ingay ng mga kaibigan ni Trisha. Lalabas sana ako pero narinig ko usapan nila.
"Trisha ayoko dun sa kasama mo kanina ah." Hindi ko kilala kung sino. nakikining lang naman ako.
"Bakit naman? Okay naman siya? Astig nga niya makipaglaban sa mga zombies eh." Si trisha.
"Okay?! Okay un sayo? Eh ang taray kaya ng mukha. Tas makatingin kala mo kung sino." Duh?! Normal lang sakin to! Pakain kita sa mga zombies eh.
"Ewan ko! Nung nakita ko siya. Pokerface lang siya eh."
"Tss. wala akong tiwala sa babaeng yun!" Mas wala naman akong tiwala sayo no! Nuh ka chix?! tss Hinanap ko si Fido. Wala siya sa tabi ko eh.
Lumabas na ako. Nagulat sila.
*Smirks*
"Okay lang kung ayaw niyo sakin. Sabi ko nga sainyo hindi ako magtatagal dito. Tska kung sino man nagsabing ang taray nang mukha ko. Pwes For Your Information normal na ho sakin to. Trisha aalis na ako. Salamat na lang." Sabi ko sakanila.
"T-teka! Madilim na delikado na Aliyah" Pigil sakin ni Trisha. Hindi ko siya pinansin at dinala mga gamit ko.
Hahanapin ko muna si Fido. Paalis na sana ako. Nang biglang tumahol si Fido sa may bandang likod ng mga tent. Napatingin ako kay Trisha. Naintindihan naman niya ako. Pinuntahan namin kung nasan si Fido. "Kayo? Di kayo sasama?!" Sigaw ko sakanila
Nag ready sila at hinawakan na nila mga baril nila.
Tumakbo si Fido papunta sa likod ko. Kaya napaatras kami ni Trisha. Bumalik kami sa may bonfire. At hinintay mga lalabas .
"Fido! quiet!" saway ko. Narinig namin na naungol sila, at mukhang madami sila. Kinakabahan ako kasi baka eto na ang huling sandali ko.
Nang makalabas na ang mga zombies mula sa dilim, nagsimula na akong bumaril at ganon din ang ibang kasamahan ni Trisha, si Trisha namamana naman. Habang nabaril ako, nakita kong nakahiga si Trisha at may gustong lumamon dito agad kong pinutukan yon at bumalik na sa mga zombies na palapit sakin.
Baril lang ako ng baril, hanggang sa mamalayan kong wala na pala akong bala. Hindi na ako kumuha ng bala sa bag kasi dadag oras lang yon. pinukpok ko na lang ang baril na hawak ko sa mga zombies na lalapit sakin. Nung medyo unti na sila, tumingin ako sa paligid ko. Wala na sila, pati si Trisha. Iniwan nila ako. Putang ina!
Umalis na kami ni Fido don. Tumatakbo na ako kasabay si Fido. Nang may mabangga ako..
"Ah shit!" Tinapatan ko siya ng flashlight na hawak ko. Tao siya "S-sino ka?!" Tanong ko sakniya. Magsasalita na sana siya nang may naaninag akong zombie papunta sakaniya. Humawak ako sa balikat niya at tumalon para masipa ko yung zombie, sinakal ko ang zombie na yon at pinagsusuntok ko hanggang sa mabasag ang bungo nito.
Naalala ko tuloy si Mama. Naramdaman ko nanaman yung sakit na naramdaman ko nung namatay si mama. Ang sakit.
May humawak naman bigla sakin, agad kong sinipa to at inapakan sa dibdib. Inilawan ko siya. Tao pala to. "S-sorry kala ko zombie" Inabutan ko siya ng kamay para makatayo siya.
"Salamat. Tristan nga pala" pagpakilala niya.
"Aliyah. Pasensya kung nasipa kita ha?" sabi ko
"Ah wala yun. Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin
"Yeah" yun lang ang nasabi ko at nagsimula nang maglakad na ako. Kita ko sa peripheral vision ko na di pa siya naglalakad. "Hindi ka ba aalis diyan?" tanong ko sakaniya. Nagsimula na kami mag lakad pero kita ko parin na nakatitig siya sakin. "Wag mo kong tignan. Maging alerto ka madaming zombies ang nakapaligid sayo." Sabi ko sakaniya ng hindi natigil sa paglalakad. Nakita ko namang parang umiwas siya.
END OF ALIYAH'S POV
---
TRISTAN'S POV
Lakad lang kami ng lakad dito sa gubat, walang pahinga. Naabutan na nga kami ng madaling araw e. Kaya medyo kita ko na yung paligid. May nalapit saming zombies pero binabaril lang to ni .... Lia? Aila? Aliyah? Ay ewan! Basta binabaril niya lang to nang wala man lang kaeffort effort. Nakaka inlove.
Pwe! Pinag sasabi ko?! tss
Medyo naaninag ko na mukha niya. Ayos lang maganda siya. Ay shet ang sakit, nabunggo ako sa puno.
"Sa susunod kase wag kang tititig. Tumingin ka sa dinadaanan mo. Bawal ang tatanga tanga sa sitwasyon ngayon." Sabi niya. Tuloy tuloy parin siya sa paglakad. Napahiya tuloy ako. Ako tong lalake ako pa tong tatanga tanga. Teka may aso pala kaming kasama? O.o
"Aila aso mo to?" Tanong ko sakaniya.
"Sino si Aila?" Tanong niya din sakin. Tanga ba to? Eh siya un eh.
"Aliyah pangalan ko hindi Aila." Sabi pa niya. Okay pahiya na naman ako -_____- Napakamot na lang ako ng ulo.
"Pero aso mo nga to?" Tanong ko uli. Humarap siya sakin.
"Kung hindi ko ba aso yan susunod pa sakin yan?! Umupo ka dyan! Magpahinga ka muna. Kukuha ako ng makakain. Fido stay here okay?" At kiniss niya yung aso.
"Oy! Aalis ka mag isa?!" Tanong ko sakaniya. Pero di niya ako pinansin. Sinundan ko siya. Medyo malayo layo na kami kung saan niya ako pinagstay. "Uy! Saan ka pupunta?" Humarap siya sakin. At tila parang may hinahanap.
"Nasaan si Fido?" tanong niya, napa-hehe nalang ako.
"Tss tabi nga diyan!" Tinulak niya ako at tumakbo siya pabalik sumunod naman ako.
END OF TRISTAN'S POV
---
ALIYAH'S POV
Ang Gago naman netong lalaking to! Iniwan lang doon yung aso ko! Binilisan ko takbo ko at don nakita kong natutulog si Fido. Niyakap ko agad to nang mapalapit ako sakaniya
"Fido! Kala ko mawawala ka na din sakin." Sabi ko kay Fido. umungol siya na parang naiyak. Naramdaman ko naman na may paparating kaya agad kong sinuntok yon. "WALANGHIYA KA! DIBA SABI KO WAG KANG AALIS DON?! OKAY SANA KUNG UMALIS KA DON NANG KASAMA ASO KO! PERO HINDI EH INIWAN MO SIYA! BUTI NA LANG AT WALANG ZOMBIES NA NAKALAPIT SAKANIYA. KUNDI PAPATAYIN TALAGA KITA KAHIT HINDI KA ISA SAKANILA!" Sigaw ko sakaniya.
"Bat ba napakahalaga sayo nang asong yan ha?! Eh di hamak na aso lang yan at walang ibang ginawa kundi tumahol ng tumahol!" Sigaw niya sakin at sinuntok ko siya ulit.
"ANONG DI HAMAK NA ASO LANG YAN?! SIYA ANG NAKASAMA KO NUNG MGA ARAW NA WALA AKONG KASAMA MAKIPAGLABAN PARA SA BUHAY KO! SIYA ANG NAGSILBING BODYGUARD KO KAPAG MAY NALAPIT NA ZOMBIES SAMIN! TAPOS SASABIHIN MONG ISANG ASO LANG YAN?!" Sigaw ko pa sakaniya
"Okay! Okay! Im sorry!" Inirapan ko lang siya at pumunta kay Fido.
"Sorry kung naiwan kang mag isa dito kanina ah! May gago kasing di maingat eh. Sorry ulit ah. Promise di ka na iiwan ni Mommy. Lagi ka nang susunod sakin ah." Tumahol naman siya. Kung natatanong niyo kung anong breed ni Fido. Labrador siya :) Umupo sa harap namin ni Fido si Tristan pero di ko siya pinansin at patuloy na nilalaro si Fido.
"Mahal na mahal mo talaga yan no?" Tiningnan ko lang siya. "Alam mo bagay sayo nakangiti. Try mo naman minsan." Tulad ng ginawa ko kanina di ko na lang siya pinansin. Nagulat ako ng bigla niya ako pisilin sa pisngi at tinatry pangitiin. Tinapik ko kamay niya inirapan ko siya ng todo.
"Ang taray mo! Tara na nga alis na tayo dito." Hinila niya ako. Binawi ko yung kamay kong hawak niya.
"Kaya ko sarili ko." At nauna ng maglakad, sumunod naman si Fido at Tristan.
END OF ALIYAH'S POV
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
AkcjaNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...