"Patayin si Denisse?!" Tanong naming tatlo kay Alice.
"Bakit? Bakit Alice? Ilang beses tayong niligtas ni Denisse sa mga walkers. Ilang beses niya binuwis ang buhay niya para sa atin" sabi ni Shane kay Alice.
"Para sa atin? Ginawa niya yon para lang sa sarili niya! Para may katulong siya sa pag dakip kay Aliyah! Hindi niyo ba napapansin kay Denisse, kahit kaylan hindi siya naging mabait sa atin, oo iniligtas niya tayo. Pero trinato ba niya tayo ng tama? Hindi, inalipusta tayo ni Denisse. Ginawa tayong utusan. At hindi ako naniniwalang ibinuwis niya ang buhay niya para sa atin. Kasi kaya niyang kontrolin ang mga walkers. Napapasunod niya ang mga walkers. Di niyo ba naisip yon?" Maiyak iyak na sabi ni Alice kila Lara at Shane. Natahimik silang dalawa.
"Kapag nakuha ni Denisse ang dugo ni Aliyah. Wala nang makakapigil sakaniya. Pa--"
"Ano ba talagang meron sa dugo ko?" Pag putol ko sa sinasabi ni Alice.
Humarap silang lahat sakin. "Kasi nasa sayo ang dugo ng pinakamakapangyarihan walker" so tama ako. Tama ang hinala ko.
"A.. Ano bang kaya kong gawin? Kung ako yung makapangyarihang walker? Wala namang kakayahan ang mga zombies diba? Kundi mangain lang ng tao" naiiyak ako sa mga nalalaman ko
"May mga prophecy na kumalat noong kapanahunan ni Denisse at ng Daddy mo. Na magkakazombie apocalypse sa taong 2027, ngayong taon. At may katangi tanging tao na mayroon ng dugo ng isang zombie na may kapangyarihang sakupin ang buong mundo at ikaw yon." Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Di ko na alam ang gagawin ko.. "After ilang years ang mga naging zombies ay babalik sa pagiging tao ngunit lahat ito ay titingala sayo, ituturing ka nilang diyos, sasambahin ka nila. Ngunit may kakalaban sayo, aagawin ang tronong dapat sayo. Si Denisse ay is--"
"Hindi ko kaylangan ng tronong yon. Ayokong tingalain ako ng mga tao at sambahin ako. May takot ako sa totoong Diyos. Mas mabuti nang ibigay ko na lang ang gusto ni Denisse." Putol ko sa sinabi ni Alice.
"Hinde! Hindi mo pwedeng gawin yan." Pigil sa akin.
"Bakit? Ayoko mangyari ang propesiyang yan!" Galit kong sabi kay Alice.
"May paraan para hindi mangyari iyon.."
"Ano?" Sabay kaming tatlo ni Lara at Shane.
"Pag namatay ka." Napa nganga ako sa sinabi niya
"Eh diba tinangkang patayin ni Denisse si Aliyah kanina? Bakit niya magagawa yun?" Tanong ni Lara
"Alam kong hindi gagawin ni Denisse na barilin si Aliyah. Pero pinigilan ko parin dahil ayokong mamatay si Aliyah." Nagulat ako sa sinabi ni Alice. "Aliyah, si Denisse, hindi siya galit sayo dahil sa Daddy mo. Naiinggit siya sayo dahil may kapangyarihan kang sakupin ang mundo."
"Paano mo nalaman ang lahat ng to?" Tanong ni Lara kay Alice.
"Dahil anak niya ako. Nakakahiyang aminin sainyo pero anak ako ni Denisse. Simula pa nung una sinasabi na niya sakin ang plano niya, wala pang mga zombies non. Si Denisse half blood walker siya, may kapangyarihan din siya pero di tulad ng kay Aliyah. Ayon sa prophecy, ang half blood walker ay may kapangyarihang ikontrol ang mga zombies at kaya niya ding sakupin ang mundo kung makakainom siya ng dugo mo. At kapag nangyari yun, siya na ang pinakamakapangyarihang walker at matutusta ka."
Sakto natapos nag sinabi ni Denisse nang bumukas ang pinto.
"Sinasabi ko na nga bang traydor kayo e!" Sigaw ni Denisse sa amin. "Ikaw!" Sabay turo kay Alice.
"Anong karapatan mong sawayin ako ha? Nanay mo ko at ako dapat ang pinagtatanggol mo at hindi yang babaeng yan!" Tinuro niya ako. "Ano bang nagawa niya sayo para siya ang kampihan mo? Sarili mong ina tinatraydor mo! Napakawalanghiya mong anak! Kayo! Anong tinitingin tingin niyo dyan?! Oo anak ko tong traydor na to! Anak ko tong walang kwentang to!" Halos ihambalos na ni Denisse si Alice, inaawat niya ang ina niya pero di siya pinakikinggan. Sobra na siya. Sobra na ginagawa ni Denisse.
"TAMA NA! BITAWAN MO SIYA!" Itinulak ko siya ng malakas para makalayo sa amin. Hinila ko si Alice at tumakbo papalayo sa kwartong iyon.
Hinahabol kami ng mga walkers. Sobrang dami nila at konting konti na lang makakain na nila kami. Hindi ko alam kung paano nila ako susunurin. Kung alam kong lang kung paano fuck! Tumakbo lang kami ng tumakbo. Hindi namin kasama si Lara at Shane, sana hindi sila galawin ni Denisse.
"Shit we're doomed" sabi ko. Na corner na kami ng walkers. Puro lock ang pintong nasa paligid namin. Wala na kami mapupuntahan. Papalapit na sila ng papalapit. Binaril ko sila ng binaril. Kaso alam kong walang mangyayari. Nawawalan na kami ng pag asa ni Alice. Pero mas mabuti na sigurong mamatay ako para walang mangyayari sa propesiyang sinasabi ni Alice. Kaso paano ako mamamatay e nagaling agad yung mga kagat o kalmot sakin ng mga walkers.. Hay
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pintong nasa kanan namin. Agad kaming pumasok don at isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
ActionNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...