Walkers Twentynine

2.7K 75 14
                                    

PATRISHA'S POV

"Guys kaylangan na talaga natin maka alis dito." Suggest ni Yvette.

"Oo nga, dalawang beses na tayo nawalan ng tao. Wag na sana nating hayaan na may sumunod pa don."

"Pero paano si Aliyah?!" Tanong ko

"Kalma Patty, babalikan natin si Aliyah, kapag nakakita na tayo ng ligtas na lugar."

"No! Hindi ako papayag! Ayokong iwan bestfriend ko dito! Kung gusto niyo umalis, edi umalis kayo! Ako mag isa pupunta kay Aliyah!" Palabas na sana ako ng pinto nang hilain ako ni Duke.

"Wag ka ngang makulet?! please?"

"Patty, relax ka lang kasi. Promise babalikan natin si Aliyah dito." Pang papakalma sakin ni Alex "tska andyan si Tristan, hinding hindi yan papayag na hindi niya makukuha si Aliyah." Tumingin ako sakaniya sabay tumango siya. Tinignan ko si Alex, sabay irap at umupo ako sa isang box na gawa sa kahoy.

"So ganto..." Hindi na ako nakinig sa plano nila. 

ALIYAH'S POV

I'm so fucking bored! Nandito ako sa kwarto nila Alice at bantay sarado ako! Kainis.

Hindi ako makatakas, gawa ng may nakabantay saking dalawang walkers!  Wala na din yung mga baril ko, yung kutsilyo ko sa boots. lahat na ng bagay na pwede makasakit! Pati nga nailcutter na nasa bulsa ko kinuha! Di na pinagbigyan e.

Napatingin naman agad ako sa pinto nung bumukas ng malaki yon. Lumapit sakin yung isa pang pair ng walkers, hinawakan nila ako sa magkabilang braso at dinala kung saan. Psh nakakadiri itsura e, tulo tulo pa laway, tas ang didilaw ng ngipin. Di ba uso sa kanila ang toothbrush. 

Nung makarating kami sa malaking silid kung saan nila ako dinala dati. Kita ko nanaman ang mala impyernong mukha ni Denisse

"Oh hi there, Aliyah!" Bati niya sakin habang nakangiti.

"Plastik." bulong ko sabay irap.

"Ano sabi mo?" 

"Wala. Ano bang kaylangan mo? Dugo ko nanaman? Aanhin mo ba dugo ko? Bampira ka ba? Nakakatanga ah." Tuloy tuloy kong sabi.

"Wala na akong pake sa dugo mo." Tapos lumapit siya sakin at pinaupo sa trono niyang nakakadiri.

"Oh? so anong kaylangan mo?" 

"Gusto lang kita makakwentuhan."

"Eww. Boring boring mo nga kausap, tingin mo makikipagkwentuhan pa ko sayo?" Tumayo ako at akmang aalis, pero nahila niya agad ako paupo "Ano ba?!" Sigaw ko. Bigla namang nagsitakbuhan ang mga walkers samin

"Stop!" Sigaw ni impakta. Tumigil naman sila, habang nakatingin ako sa mga walkers. Nakita ko nanaman yung espada'ng nakita ko sa bodega. Automatic na napatayo ako. Pinipigilan ako ni Denisse pero di ko siya pinapansin..

"A-ano to?" tanong ko, agad namang humarang si Denisse. 

"Wala to Aliyah, ano lang to.. ahm.. Mahalagang bagay para sakin." Napatingin naman ako sakaniya. Ewan ko para kasing feel ko nakita ko na siya dati bago ko pa siya makita sa bodega..

"Ibalik 'to sa kwarto!" Sigaw ni Denisse agad naman sumunod ang dalawang walkers. 

Habang naglalakad kami sa Hallway, may sumitsit. Agad naman ako napatingin sa likod. Nakita ko na may nakasilip, tao ata siya. Nung humarap ulit ako sumitsit nanaman edi tumingin nanaman ako sa likod. Andun siya pinapapunta ako sa isang kwarto. 

Agad ko namang siniko yung walker sa right ko, sabay suntok sa walker na nasa kaliwa ko. Umabante ako at humarap sakanila. Sinipa ko ng malakas yung nasa kaliwa dahilan ng pagkatumba niya. Agad akong lumuhod para suntukin bungo niya hanggang sa mawarak yon. Bigla namang humawak sakin yung isa pang walker. Siniko ko siya tas tumayo ako sinakal ko siya hanggang sa mapasandal siya sa pader. Tinitigan ko muna ang pagmumukha niya, shet nakakasuka. -____- Tas sinuntok ko siya sa ulo ng malakas, as in malakas talaga. Basag agad bungo niya ah. Shet ang sakit. -3- Tumingin ako dun sa taong nasitsit kanina. Nakangiti siya, tumakbo agad ako papunta sakaniya. 

The Walkers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon