ALIYAH'S POV
Pabalik kami nila Trisha at Alice sa loob dahil hindi ko kayang iwan sila Patrisha at Tristan don. Kelangan ko nang tapusin itong gulong to, kung kaylangan ibigay ko kay Denisse ang gusto niya gagawin ko basta wag niya lang papatayin si Tristan at Patrisha.
Nakarating na kami kung nasaan sina Denisse, nagulat ako sa nakita ko, punong puno ng dugo si Patrisha at Tristan. Nang dahil don nanlisik ang mata ko Denisse.
"Walang hiya kang babae ka!" At sumugod sa kaniya. Sinuntok ko siya dahilan ng pag bagsak niya, dumura siya ng dugo at sumugod sakin, sinabunutan niya ako.
"Wala kang karapatang suntukin ako!" Sigaw niya sakin. Nang gigigil na talaga ako sa babaeng to e. Sinuntok ko ulit siya at pinaibabawan ko siya. Akmang susuntukin ko siya pero sinugod ako ng mga walkers.
Tumayo ako, nasa mga walkers na ang atensyon ko, di ko namalayan na wala na si denisse sa kwartong yun. Sa sobrang dami ng walkers na sumugod sakin tinulungan na ako ni Trisha at Alice.
"Trisha!!" Narinig ko ang boses ni Coleen pero hindi ko siya makita dahil pinalilibutan ako ng walkers.
"Nasaan si Aliyah?!" Tanong ni Yvette.
--
ALICE'S POVDumating yung ibang kasamahan ni Aliyah at tumulong sila sa pag patay sa mga walkers. Padagdag sila ng padagdag at mukha hindi na namin kakayanin to.
"AAAH!" Hinanap ko kung sino ang sumigaw, nakita ko yung babae, nakagat ng walkers. Shit. Kelangan naming umalis dito.
"Tang ina!" Sigaw nung isa pang babae, nilapitan niya ito at pinagpapapatay ang lahat ng nalapit sakanila.
Pinag patuloy ko ang pakikipaglaban sa walkers hanggang sa makalapit ako kay Aliyah.
"Aliyah kaylangan na nating umalis dito." Pero hindi niya ako pinansin. "Aliyah ano ba?!" Tumingin siya sakin na blangko ang mukha.
Napatigil ako, sa ginawa niya. Tinaas niya ang kanang kamay niya at lahat ng walkers ay tumumba.
Nagulat ang lahat sa nangyari.
"Aliyah p-paano mo nagawa yun?" Tanong ng isa niyang kasamahan.
"Kanina ko lang napansin kung paano niya mapasunod ang mga walk--"
Bumaksak si Aliyah sa harap ko, binaril siya.. Hindi magsink in sa utak ko kung ano yung nangyari. Hinanap ko kung sino ang gumawa non.
Nakita ko si Denisse na may hawak ng baril. Hindi parin magsink in sakin na nabaril si aliyah sa harap ko.
Sinugod ng mga kasamahan ni Aliyah si Denisse pero may mga pumasok na mga lalaking may dalang machine gun.
"Subukan niyong lumapit sa akin, hindi lang si Aliyah ang mamamatay." Anya ni Denisse, tumigil ang lahat. "Dalhin sakin si Alice!" Wala na akong nagawa kundi nagpadala sa mga lalaking kumuha sakin. Kinadena ako nila ako sa bandang pinto.
Hindi parin nagsisink in sakin na patay na si Aliyah.. Naiyak ako pero hindi ako makaramdam ng lungkot. Namanhid ako bigla. Hindi ko malimutan yung mukha ni Aliyah nung binaril siya. Tang ina ganto na lang ba matatapos to.
Inutusan ni Denisse ang mga kasama niya na itali ang mga kasamahan ni Aliyah. Pinabugbog niya to isa isa. Hindi ko kayang tignan ang ginagawa nila. Nakakaawa sila. Wala akong magawa.. Bakit nanghihina ako ngayon. Tang ina dapat may gawin ako!
"Yan ang napapala mo." Dumating sila Shane.
"Guys tulungan niyo ko makatakas please" pagmamakaawa ko sakanila. Pero tinanggihan nila ako dahil ayaw nilang mapahamak. Ang selfish nila.
Naiiyak na ako dito sa pwesto ko, tinignan ko uli si Aliyah pero..
Nasaan siya?!
Wala siya dun sa kinalalagyan niya kanina. Nilibot ko ang mata ko sa kwartong to pero hindi ko siya makita.
Buhay ba siya? Omg please save us Aliyah..
--
ALIYAH'S POV
Napatigil ako nang may bumaril sakin, hindi ko nakita ko sino ang gumawa dahil napatumba kagad ako.
Bakit ganon? Gising parin ang diwa ko. Bakit hindi ako namatay? Bakit naririnig ko parin sila. Damang dama kong yung balang bumaon sakin at ang pag agos ng dugo ko pero bakit hindi ako nasasaktan. Bakit parang wala lang sa akin. Hindi ko maintindihan.
"Aliyah, si Kiel ito. Naalala mo yung espadang nakita mo? Diba sabi ko sayo kaylangan mong makuha yon?" Narinig ko boses ni Kiel. Nagulantang ako dahil alam kong patay na siya matagal na.
"B-bakit?" Sagot ko.
"Dahil eto lang ang espadang makakapatay sa pinakamakapangyarihang walkers" Aniya.
"Hindi ba't ako yun? Paano yun papatayin ko sarili ko?" Sagot ko sakaniya.
"Kelangan maibigay mo ang gusto ni Denisse, at dapat mapatay mo kagad siya bago pa mangyari ang nasabi sa propesiya." Napaisip ako sa sinabi niya. "Gawin mo na siya, ngayon na."
"Teka bakit buhay parin ako?" Tanong ko sakaniya
"Nasagot ko na iyan sayo. Iligtas mo sila Aliyah" at saka nawala ang boses niya.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Kitang kita ko kung paano binubugbog nila Denisse sila Trisha. Nasa isang tabi naman si Jonah nakahandusay, s-siya ba yung sumigaw kanina? Tang ina. Wala akong nagawa para maprotektahan sila.
Kelangan maligtas ko sila . Inabot ko ang samurai ni Coleen at nagtago kagad sa madilim na parte ng kwarto.
Bakit ganon hindi ako nanghihina? Dahil ba kasi walkers ako? Shit. Ayoko na mag isip. Kelangan gumawa na ako ng paraan para maligtas sila.
Tumakbo ako ng mabilis sa kabilang sulok ng kwarto kung saan malapit sa pinto. Kelangan ko mahanap ang espadang yun.
--COLEEN'S POV
Lasang lasa ko na ang dugong nalabas mula sa bibig ko. Hindi ko na maramdaman ang bawat suntok na binibitaw sakin ni Denisse pati na rin ng kasamahan niya. Hinahayaan ko na lang. Pagod na ako makipaglaban. Siguro kelangan ko na din magpahinga sa gulong to.
Tumigil ang pambubugbog sa akin.
"Nasaan na siya?!!!!" Nagulat ako sa sigaw ni Denisse. Napatingin ako sakaniya at kitang kita ko ang pagkagalit niya. "Nasaan na yung pesteng Aliyahng yun! Hanapin siya! Wag kayo titigil hangga't di niyo siya naidadala sa akin!"
Buhay siya.. Buhay si Aliyah...
--
ALIYAH'S POV
Halos nalibot ko na ata ang buong lugar na ito, pero hindi ko parin makita ang espadang sinasabi ni Kiel.
Nasa basement na ako ng lugar, hinalungkat ko lahat ng gamit don. Pero wala. Nawawalan na ako ng pagasa..
Nang may kuminang sa bandang kisame ng basement. Nakasabit ang espada. Pinutol ko ang tali gamit ang samurai ni Coleen. Pinulot ko ang espada at handa na akong bumalik kung nasaan si Denisse.
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
AcciónNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...