ALIYAH'S POV
Oras na para tapusin ang gulong to. "DENISSE!!" sigaw ko at lahat sila tumingin sakin. Hiniwa ko ang braso ko gamit ang espada. "Diba eto ang gusto mo?!"
Agad na lumapit si Denisse sakin at inabangan ang tulo ng dugo ko mula sa kamay ko.
"fuck.. Fuck.." anong nangyayari bat namamanhid ang buong katawan ko. Tumingin ako kay Denisse na nakangiti ng malaki.
"Salamat Aliyah" niyakap pa ako ni Denisse habang sinasabi yon. Hawak ko ang espada pero hindi ko maiangat yon. Para bang may malaking bato na nakadagan sakin.
Tinignan ko lang si Denisse habang siya ay natawa, wala akong magawa. Hanggang sa magdilim ang aking paningin.
Bakit? Sabi ni Kiel ibigay ko ang gusto ni Denisse, bakit nangyayari to? Paano ko siya mapapatay? Naguguluhan ako. Hindi ako makapag isip ng ayos.
--
"Anak.." nakita ko ang daddy ko. Tumulo bigla ang mga luha ko nang niyakap ako ni daddy.
"Daddy? Totoo ba to?" sabi ko.
"Hindi na importante yon. Alam mo ba kung paano nagsimula ang lahat ng to?"
"Oo. Sinabi sakin ni Denisse" sagot ko. Bigla kong naalala yung nangyari kanina. "Daddy, paano ko papatayin si Denisse? Hindi ako makagalaw"
Baka nananaginip lang ako.. Alam kong hindi totoo to.
"You were the strongest walker in earth, Aliyah. Even though binigay mo ang kapangyarihan mo kay Denisse"
What? Anong sinasabi niya.. Wala na akong maintindihan.
"Those zombies na pinapatay niyo is just a scientific experiment na hindi nag succeed"
"Those zombies were created with our blood, anak. I don't know kung paano napapasunod ni Denisse ang mga zombies na yon"
"Dugo natin? Bakit? Para saan? daddy wala akong maintindihan" natataranta na ako, wala akong maintindihan at wala akong magawa. Gusto ko na lang iiyak lahat at bumalik sa dating buhay.
"Aliyah, don't panic. Gawin mo lahat para talunin si Denisse"
"Daddy paano ko gagawin yun kung nakuha na ni Denisse yung sinasabi mong kapangyarihan ko?"
"Hindi im --"
--
Nagising ako ng binuhat ako ng isa sa mga lalaking kasama ni Denisse at kinadena ako sa gilid ng trono niya.
Para parin akong lantang gulay dahil hindi ko magalaw ang buong katawan ko.
Ano ba yung sinasabi ni Daddy na kapangyarihan ko..
Sinundan ko ng tingin si Denisse papunta sakin.
"Salamat Aliyah at mabubuhay na ako habang buhay" anong sinasabi niya
"Mukhang hindi mo alam ang kayang gawin ng dugo mo." sabi niya habang patawa tawa.
"Alam mo bang matagal ka na dapat patay?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Denisse
"At dahil sa sobrang mahal ka ng daddy mo, gumawa kami ng paraan para mabuhay ka, and we didn't expect na makakagawa kami ng dugo na kahit anong gawin hindi ka mamamatay." what?
"Sabi ni Dad sakin ang mga walkers ay gawa sa dugo namin" gulong gulo na ako kelangan ko na ng mga sagot
"Yes. Its true pero hindi nagsucceed ang experiment namin. Gusto lang namin malaman ng Dad mo if possible na magkaroon ng zombies. Ginawa namin yun pero sinigurado namin na hindi siya kakalat as virus. But nag fail kami.." malungkot na sabi ni Denisse
"Then bakit ngayon lang siya kumalat? Matagal ng patay si Dad. How come na ngayon lang to nangyari"
"Sa sobrang pagmamahal ko sa Dad mo tinry ko ulitin ang experiment namin. With our blood. Kaya kaya kong kontrolin ang mga walkers, pati ikaw kaya mo diba? That's because of our blood."
"So ikaw talaga ang pasimuno ng lahat ng to? Anong purpose mo sa pag gawa ng mga zombies na to?"
"Hindi mo na kailangan malaman yon. They are just sick."
Wala na akong masabi. Hindi ko na alam gagawin ko. Tumingin ulit ako kay Denisse habang siya ay paikot ikot sa silid na ito na parang nanalo siya ng lotto.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para makabangon. Pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo sa sobrang bigat ng katawan ko. Pero wala na akong pake kelangan ko mapatay si Denisse.
Tumayo ako kahit sobrang hirap. Napatigil si Denisse sa ginagawa niya at tumingin sakin.
"Nakakatayo ka pa talaga?!" inis siyang lumapit sakin at kinuha ang espada.
Ramdam ko ang espada sa may dibdib ko.
Bumagal ang oras at napahawak na lang ako sa trono ni Denisse.
"ALIYAAAAH!"
"NOOOO!" sigaw ng mga kaibigan ko na punong puno na mg dugo kakabugbog sakanila.Tumingin ako sa kabilang side at nakita ko sila Alice na gulat din sa pangyayari.
Tinignan ko ang espadang nakabaon sakin, hinawakan ko yon at sinubukang alisin. Ngunit lalong ibinaon ni Denisse ang espada dahilan ng pag suka ko ng dugo.
Eto na ba ang katapusan ko?
"Gawin mo ang lahat para matalo si Denisse" narinig ko ang boses ni Daddy.
Tumayo ako ng maayos at agad na inalis ang espada sa dibdib ko at isinaksak kagad sa ulo ni Denisse.
Bumagsak si Denisse. At bumagsak na din ako.
Pumikit na lamang ako, hinihintay na mawala na ako sa mundong ito..
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
AcţiuneNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...