ALIYAH'S POV
"Jonah" Halos pabulong kong tinawag si Jonah.
"Jonah lumayo ka dyan! Baka makagat ka niya!" Sigaw ni Ethan.
"Hindi, alam kong hindi niya ako kakagatin. Hindi lang ito ang unang beses na nangyari to." Mahinahon na sabi ni Jonah
"What?!" Sabi ng iba
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tristan, tumabi na din sa Duke samin ni Jonah.
"Nung time na dinumog ng zombies yung bahay ko. Naiwan namin si Aliyah doon--" Paliwanag ni Duke
"Ha?! Kala ko ba Umalis na lang bigla si Aliyah?!" Tanong ni Patrisha.
"Nagsinungaling kami." Sabay tungo ni Jonah.
" Tang ina yan." Sambit ni Tristan.
"Oh anong nangyare sunod?" Tanong ni Trisha, nandito na pala silang lahat.
"Yun nga naiwan namin si Aliyah sa bahay ko. Nung makalayo kami dun nakarinig kami ng sigaw galing sa warehouse na malapit sa bahay namin. Nung pinuntahan namin yun nakita namin si Aliyah na may kagat sa balikat tska gumaling agad un." Pinakita ko yung peklat ko sa balikat.
*gasp* "ohgod!" Sambit ng iba, Wala nang nagsalita saamin. Bumalot samin ang katahimikan.
"Well pwede naman nating icheck kung infected na ba talaga si Aliyah. Dala ko naman ang detector eh." Sabi ni Aljon pambabasag ng katahimikan.
"That's a good idea." sabi ni Jonah.
Kinuha ni Aljon yung Detector sa truck. Etong detector na to hindi ito yung detector na nabanggit ko dati. Maliit lang to at kayang kaya dalhin ng kamay. Tinapat na ni Aljon yung detector sa mata ko.
*Processing..*
"NOT INFECTED" Sabi nung detector. Walang nagsalita, lahat kami gulat sa resulta.
"Ow...kay?" Sabi ni Yvette
"What the hell?! Paano nangyari yon?!! Eh kitang kita nating nakalmot siya ng zombie e" Hindi makapaniwalang sabi ni Ethan, pati ako hindi makapaniwala. oh god ano bang meron ako at parang hindi ako na iinfect?
Yayakapin sana ako nila Patrisha, pero pinigilan sila ni Ethan at Aljon "Guys wag muna kayong lumapit sakaniya. Hindi tayo nakakasiguro baka sira na tong detector na to o kaya may mali dito." Sabi ni Aljon.
"So anong gagawin natin sakaniya? Paalisin?!" Galit na tanong ni Patrisha at lumapit sakin saka umakbay.
"Hindi sa ganun, pero kaylangan may magbabantay sakaniya."
"Ano si Aliyah? Kriminal?!" Sigaw ulit ni Patrisha
"hindi! Pero hindi kasi tayo nakaksiguro kung hindi talaga siya infected, hindi naman siya masasaktan e, may isang mag babantay lang sakaniya! Just for a week, kapag hindi siya naging zombie edi she's not infected pero kapag..." Hindi tinuloy ni Aljon yung sinasabi niya
"Pero bakit isang linggo pa? Eh minutes lang naman ang kaylangan hintayin bago maging zombie ang isang nakagat or nakalmot. right?" paninigurado ni Coleen, tumango tango naman yung iba.
"Hindi natin alam. Malay mo isa siyang walker" Sabi ni Aljon
"Walker?" sabay sabay naming banggit, naguluhan ako kay Aljon
"Ayon kasi sa research ko, ang mga zombies na yan ay tinatawag na walkers. Sabi din don may ibat ibang klase ang mga to, may mga normal, may mga malalakas, may mga higante, at may isang katangi tangi."
"katangi tangi?" tanong ni Coleen
"Oo katangi tangi, pero etong katangi tangi na to, hindi isang zombie, isa itong tao na siya lamang ang may taglay na makapatay ng makapangyarihang walker." explain pa niya.
"Okay wala kaming pakelam sa mga pinagsasabi mo, ang importante mawala tong babaeng to." Sabi ni Ethan, bat ba napaka init ng ulo niya sakin? eh wala naman akong ginawa sakaniya dapat nga ako ang maging ganyan sakaniya kasi ako yung niloko niya.
"Ethan, wag na hayaan na natin siya. Tara na." Pagkumbinsi sakaniya ni Aljon
"Saan ako sasama?" Sabi ko napatigil sila.
"May motor si carlo right? Nasa likod yun ng bus." Sabi ni Yvette
"Carlo? CARLO!" Sigaw ni Patrisha natataranta siya. Parang hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin.
"Hey Patty what's wrong?" Tanong ni Yvette
"S-si Carlo, w-wala na s-siya..."
"The fuck?!" Sambit ko.
"Pakiulit nga ng sinabi mo." Sabi ni Duke
"W-wala na s-si Carlo." Ulit niya
"SHIT!" Sigaw ni Duke, diba nga magkaibigan sila? "Paanong nangyare yon ah?!" Galit na tanong ni Duke kay Patrisha
"N-nadapa siya kanina habang hinahabol kami nung malaking walker, tutulungan ko dapat siya pero siya na mismo ang tumanggi. Pinatakbo na niya ako--"
"At tumakbo ka naman?! Jusko naman Patrisha!" Sabi pa ni Duke
"S-sorry" Sabi ni Patty
"Sorry?! tingin mo mabubuhay pa si Carlo sa Sorry mo?!" Sigaw ni Duke, kaya sumingit na ako.
"Duke! Wag mong sigawan si Patrisha, hindi mo ba naintindihan? He sacrifice his own life for us! Wala na eh, nangyari na, wala na tayong magagawa don." Sabi ko
"Oo sa nangyare, wala. Pero sa babaeng yan... MERON!!!" Sabi niya sabay kasa ng baril.
"DUUUUUUUUKKEEEE!" Sigaw naming lahat.
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
AkcjaNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...