ALIYAH'S POV
Nakatigil kami ngayon sa Highway, di ko alam kung saang highway to basta napakalawak ng kalsada. Nawalan kasi ng gas yung truck kaya nilalagyan nila yun ngayon eh may reserba kami kaya yun muna ang ginamit nila.
"Guys!" Tawag ko sakanila, agad namang nagsilapitan except sa mga naglalagay ng gasolina "Wala tayong mga gamit dahil lahat ng gamit natin nasa resort. Wala din tayo dalang pagkain kaya kukuha tayo pati narin ng mga baril. Naubos gawa nang pakikipaglaban natin kagabi." Sabi ko, at tumango tango sila.
"So, kaming mga nasa bus ang kukuha ng mga pagkain tutal meron kaming refrigerator dito. And, sa mga armas... kayo Alex at Donald. Yung mga nasa truck sumama na lang kayo kila Donald." Dagdag ko pa
"Sasama ako sainyo." presenta ni Tristan samin, tumango na lang ako.
"Okay, so pagkatapos natin kumuha ng kaylangan natin kita kita tayo dito sa lugar na to. Sauluhin niyo mga dadaanan niyo para di maligaw. Ge, Ingat!" sabi ko, pumasok na kami sa bus kasama si Tristan.
---
DONALD'S POV
Naghahanap kami ng Gun shop dito. Halos paikot ikot na kami dito sa lugar na to. Yung naka truck sila yung nauuna. Hinihilo ata kami neto eh.
Nag overtake si Alex, siya kasi yung nagdadrive. Medyo binilisan niya yung takbo
"Uy anong ginagawa mo?" Tanong ko
"Wala binibilisan lang yung pagdadrive." Sabi niya, Tanga tong kaibigan ko. Eh paano kung mawala yung mga nakasunod samin?
"Baka maligaw natin sila!" Sabi ko sakaniya.
"Hayaan mo na!" At binilisan na talaga niya yung takbo.
---
ETHAN'S POV
"Tangna asan na yon?!" Sigaw ko, ako kasi yung nagdadrive tas kasama ko si Duke
"Uy pre problema mo?" Tanong ni Duke na kakagising lang.
"Langya iniwan tayo ng mga yon!" Sabi ko
"Ha? eh nakasunod lang yun ah!" Sabi niya.
"Hindi! Nag overtake kasi sila then yun ang bilis nila magpatakbo hindi ko na nasundan!" Prineno ko na yung truck at bumaba.
Bumaba na din yung iba.
"Anong problema Ethan?" Tanong ni Trisha
"Tinakasan tayo nung dalawa!" Sabi ko na inis na inis.
"Seryoso?" Tanong pa ni Jonah
"Malamang oo! sasabihin ko ba kung hindi?!" Sabi ko
" Okay chill, Ako na magdadrive." Presenta ni Coleen
---
PATRISHA'S POV
Nakakuha na kami ng mga pagkain. Nakakatuwa nga eh kasi si Tristan at Aliyah kanina pa nag haharutan hanggang ngayon. Nagtatakbuhan sila sa loob ng bus. Imaginin niyo nga yon. Sa liit ng bus na to nagagawa pa nilang maghabulan. At ako eto nakahiga sa couch habang nagbabasa ng librong lagi kong dala.
Di naman talaga ako mahilig sa books e, sadyang sobrang ganda lang netong binabasa ko.
"Tristan tama na kasi! Hahaha"
BINABASA MO ANG
The Walkers (COMPLETED)
ActionNagmula sa isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa kumalat na ito sa buong mundo. Zombies.. Paano ka kaya mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay halos nakapalibot sayo, handang kainin ka, papakin ka. Paano ka makakahanap ng tao na magigin...