Chapter 89 "I NOW PRONOUNCE "

1K 63 40
                                        


Risa:

Pangatlong araw na

This is the last day , Parang kailan lang

Akala ko may natitirang pagmamahal, alala pa rin pala siya sa pinagsamahan namin pero ni katiting wala

"Pirmahan mo na lang kung gusto mo. Aantayin kita hanggang mamaya. Sana agahan mo, hindi pa tayo totally annulled kung hindi tayo humarap sa abogado at sa munisipyo." Inilapag niya sa lamesa ang divorce papers habang ako'y nag-aalmusal.

Ang mga kamay ko, nanginginig na hawak ang kubyertos.

Nanikip ang dibdib ko

Kailan pa kaya ito mawawala?

Tumigil ako sa pagkain, pero hawak pa rin ang dalawang kubyertos. Ang mga kamay ko, parang may sariling buhay.

"Uh... uhm... no ill sign it now" ang balewalang sagot ko, kahit ayokong pirmahan. Ayoko, ayoko talaga. Pero ano pa nga bang magagawa ko?

Inabot ko ang ballpen sa gilid at habang inilalagay ang pirma ko, may matalim na bagay na sumasaksak sa puso ko. Isang matinding sakit na parang pinipiga ang puso ko.

"Done. You're free," nginitian ko siya ng bahagya, pero ang ngiti ko ay pilit, isang maskara na itinatago ang sakit sa puso ko.

Ang sakit-sakit lang sa parte ko na iiwan niya ako .

After so many years we've been through , and yeah i sign our divorce paper

Inilagay ko ang magkabila kong kamay sa ilalim ng lamesa. Dahan-dahan kong hinugot ang wedding ring na isinuot niya sa akin, ang singsing na binili niya mismo. Ang singsing na simbolo ng aming pag-ibig, ngayon ay simbolo na ng pagtatapos. Nang matanggal ko ito, inilapag ko sa mesa. Pagkatapos, iniabot ko ito sa kanya, ang kamay ko ay nanginginig na parang dahon sa hangin.

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong maglupasay sa harapan niya. Pero hindi ko magawa. I don't want her to see me in this situation ,Ayokong makita niya ang kahinaan ko.

"If leaving me makes you happy... well then, it kills me, hun," ang bulong ko sa sarili ko, ang puso ko'y parang sasabog na sa sakit. Huminga ako ng malalim, pero ang sakit ay nananatili.

"Bilisan mo nga kumain diyan. Haharap pa tayo sa Mayor at hindi ka pa nakaka-thumb print sa totoong annulment," sagot niyang pabalik sa akin. Ang boses niya, walang emosyon. Parang wala lang sa kanya ang lahat.

Tumahimik ako sandali hanggang sa matapos akong kumain. Saktong tapos na rin siya at kinuha ang singsing sa harapan niya.

Akala ko itatago niya, pero ng tignan ko kung saan siya pupunta, sa basurahan siya dumiretso. Walang pag-aalinlangan niyang itinapon ito. Parang itinapon niya na rin ang lahat ng pinagsamahan namin.

Hindi ko maibuka ang bibig ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko.

Ilang taon kaming nagsama... tapos ganito lang? Basta na lang itatapon?

Inaantay kong makaakyat siya sa taas at sinundan kung saan niya itinapon ang singsing. Pinulot ko ito at itinabi. Pero ang singsing na hawak ko kagabi, hindi ko alam kung saan ko inilagay.

After that naligo ako. Pupunta kami sa munisipyo para totally separated na kami, para may kanya-kanya na kaming buhay. Isang bagong simula, pero puno ng sakit.

Nagsuot ako ng puting long sleeve, pinarisan ko ng puting blazer, at puting trouser. Simple lang, pero ang puso ko ay puno ng lungkot.

Nag-ayos ako ng simple. Natapos na ako, pero hindi pa rin siya tapos magbihis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Pretty Little Promise's" Where stories live. Discover now