Trecia's POV.
Hayyy! sa wakas nagkapov narin ako. After 294932 years pinagbigyan din ako ng cute na author na to (Makisakay na lang kayo).haha!!
by the way siguro naman kilala niyo na ko, kase sa pagkakaalam ko pinakilala na ako ni janna.
pero kung gusto niyo pa akong makilala ng lubos. *cough* magpapakilala ulit ako.
Ako nga pala si Trecia lyn Quitaleg. cute, maganda, matalino, matangkad at mabait. Sabi nga nila parang nasa akin na DAW ang lahat , pero sabi ko naman HINDI pa. kase wala pa yung taong mamahalin ko at mamahalin ako (ang drama ah!). ako yung tipo ng babae na sa unang tingin mo palang ay maaakit kana. kaya nga maraming lalaki ang halos magkandarapa sa ganda ko haha! kase ngiti ko pa lang talbog na lahat ng magagandang babae dito sa earth . ( Ang hangin ). pero sa kabila ng angkin kung ganda. Walang paring lalaki ang nagtangkang ligawan ako..baka daw sungitan ko lang sila o baka naman ay mabasted agad. Tinatanong ko nga sila kung paano nila nalaman ang eksaktong sasabihin ko sa kanila. kaya ayan, di ko pa nararanasan ang magkaroon ng boyfriend. Only child, kaya lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Chos. kung tatanungin nyo kung ano ang negosyo namin? Wag nyo ng tanongin. dahil hindi ko alam kung ,ano nga ba ang negosyo ng daddy at mommy ko. pake ko ba sa negosyo ng pamilya ko. haha
Bago pa maging MMK itong na ito, sisimulan ko na ang pov ko.
Nasaan nga ba kaming tatlo?
Nandito lang naman kami sa bahay nila daniela, pagkatapos kase ng klase naisipan ng dalawang to na magmovie marathon daw kami..
Tatlo lang kami kase ,pagtapos ng klase pumunta pa si janna sa office ni Ma'am manilyn. sabi namin sa kanya hintayin na lang namin siya, pero ang bruha ayaw magpahintay kaya ayan kulang kami ngayon.
Mga bekla! anong gusto niyong panonoorin natin" sabi ni daniela habang pumupili ng panonoorin namin.
Kahit ano na lang. basta maganda"sabi ko..
Di naman kase ako mapili pagdating sa mga panonoorin..
The Notebook na lang kaya panoorin natin. maganda daw yun sabi ni darren.." Suggest ni lyka..
Si darren ay isa sa mga classmate namin. Siya lang naman ang matiyagang manliligaw ni lyka. umabot na siya ng 6 months sa panliligaw niya, pero hindi parin siya tumitigil. mahal niya daw si lyka, kaya kahit na umabot siya hanggang 1 year..ayos lang daw, basta marinig niya lang ang matamis na oo ni lyka. at ang bruha masyadong pa hard to get..halata naman na may gusto din siya kay darren.
Sure ka bes!! gesto ko yung drema at seke depet gwapo at hot yung bida!!"sabi ni daniela. buti hindi siya nahihirapan magsalita puro may "e" kase lahat ng sinasabi niya..
Di ko pa nga napapanood.. basta ang sabi niya ay maganda daw ." sabi ni lyka..
Parang may something sa the notebook na yan!! di maganda ang kutob ko .
Ok!! Kapag yen penget kakalbehin kita lyka.." Sabi ni daniela..
Ang sarap hatakin ang dila ng baklang to..
Tama na ang sat-sat!! panoorin na lang natin" naiinip na sambit ko.
kaya pinindot na ni daniela yung code ng the notebook..
YOU ARE READING
The Ring
Mystery / ThrillerTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...