Chapter 16 ( The Ring )

63 11 0
                                    

Janna's POV.

Hanggang ngayon.hindi parin maalis sa isip ko, ang mga sinabi ni ranz kyle tungkol sa " Painting of Deaths "

Hindi namin alam kong ano ang ibigsabihin nito..kung bakit ito nagpakita sa akin..

---------------flashback----------------

Anong painting of deaths na pinagsasabi mo? Nakakain ba iyan? Naibebenta" pagtatanong ni joane kay ranz kyle.

Bruhang ito nadagdagan lang ng deaths yung painting..nakakain agad? Walang duda nakatira talaga to sa bundok..

Ayon sa sinabi mo at nangyayari sayo..mukhang ang painting of deaths na may good side ang nakita mo" pagpapatuloy nito..

Ah? Pwede bang paki-explain ng mabuti..wala kase akong nagegets sa mga pinagsasabi mo." Sabi naman ni shaira..

Paanong hindi niya magegets..eh! Naglalaro siya ng Coco star sa cellphone niya habang nakikinig!.. nakakaloka ang mga classmate ko ngayon may kanya kanya silang sakit..kung hindi sakit sa utak..baka sakit sa katangahan..( same lang yun tanga! ) isa pa itong si Mr.author..Ka-epalan ang sakit niya.

Ang nakita kase na painting ni janna ay ang maalamat na painting..Ito ay ang Painting of Deaths o kilala dito sa amin lugar bilang " Ang sumpa ng demonyo " Dalawa kase ang side nito..ito ay ang bad or good..Kapag ang bad side ang nakita mo..Malas ka dahil once na nagpakita ito sayo at tinitigan mo ng matagal..lilipas ang dalawang araw bago ka mamamatay..minsan nga pagkatapos mo itong titigan agad kang babawian ng buhay..kaya maswerte ka na lang kung aabutin ka ng dalawang araw..hindi maganda ang dulot nito sa tao lalo na kapag nababalot ng kasamaan ang taong nakakita dito.dahil ang painting na ito ay kayang kumontrol ng buhay ng tao para ito ay pumatay..Ma swerte si janna dahil ang nakita niya ay ang painting of deaths na may good side..kapag ang painting of deaths na may good side ang nakita mo..kaya nitong alisin o tanggalin ang mga bagay na kinatatakutan mo sa nakaraan..o ang isang pangyayaring matagal munang ibinaon sa limot..kaya nitong palabasin lahat ng iyong emosyon na nararamdaman mo sa iyong katawan..Pero ang painting din ito ang may kakayahang mag alis ng memorya ng tao depende sa sakit na naranasan ng taong nakakita nito mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan..Ayon sa mga naririnig ko mga tatlong oras o kaya ay isang taon ang itatagal ng pagkakaroon ng amnesia ng taong mabiktima nito..kung mamalasin ka pwedeng panghabang buhay ito.." Pagkwekwento ni vincent sa amin.

The RingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora