Chapter 21 ( The Ring )

80 5 0
                                    

Janna's POV.

Ngayong, umaga ng ibigay ni sir.diakocute ang first activity na gagawin namin.

At sa araw din namin ito ililibing ang bangkay ni mang roberto. Hindi namin pinaalam sa pamilya niya ang totoong nangyari kung bakit namatay si mang roberto bagkus pinalabas naming aksidenti ang nangyari.

Hindi rin namin pwedeng sabihin kay sir.diakocute, kung ano ang nangyayari sa amin dito. Ayaw naming may madamay at mamatay pa dahil sa amin. Kaya napagdesisyunan namin na wag itong ipaalam kahit kanino man.

pagkatapos naming makilibing, bumalik na agad kami dito sa mansion para gawin ang first activity na ibinigay ni sir. diakocute.

Ang first activity na gagawin namin ay ang paglalaro ng Hide and Seek.

Nagtataka naman kami kung bakit hide ang seek ang first activity na ibinigay niya sa amin. Anong kinalaman ng larong ito sa subject niya sa history.

Kahit na natatakot kaming gawin ang activity na to, dahil baka isa sa amin ang isunod ng killer. Wala na kaming nagawa kundi ang gawin ito. lalo na't taguan ang larong gagawin namin.

Sa larong ito hindi lang isa ang maghahanap sa amin, kung hindi dalawa. at kung sino man ang una at pangalawang mahahanap siya ang susunod na taya. Simple lang ang activity na gagawin namin pero nahihirapan kaming gawin ito. lalo na't nasa paligid lang namin ang killer.

Si warren at si shaira ang siyang taya sa larong ito, dahil sila ang inutasang unang maghahanap.

Pagbilang namin ng sampu, dapat lahat kayo ay nakatago na" sambit ni shaira at warren.

Tumango naman kami sa sinabi ng dalawa at saka sila tumalikod para magbilang.

Tatalikod na sana ako para tumakbo ng may humawak sa kamay ko.

Tumingin ako sa likod, para malaman kung sino man ang taong maswerting humawak ng kamay ko. at laking gulat ko na lang na ang taong humawak sa kamay ko ay wala iba kundi si vincent.

Agad naman ako namula sa ginawa niya lalo na ng makita ko ang mukha niyang nakatitig sa akin na may halong pag-aalala.

Samahan na kitang magtago janna, baka may masamang mangyari sayo na siyang ikamamatay ko" seryosong sambit nito na siyang dahilan ng pagpula ng husto ng pisngi ko.

Sa simpleng banat lang ni vincent, nanlalambot na ang tuhod ko. Paano pa kaya kung naging akin na siya, baka mabaliw lang ako dahil sa saya ng mararamdaman ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka ko siya hinila papuntang kwarto para umpisahan na namin ang paggawa ng bata. Haha joke!

Hinila ko si vincent papunta dito sa lumang kwarto kung saan tinatambak ang mga lumang gamit nila ranz kyle.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagtataguan namin dito pa sa kwartong ito.

Hinila ako ni vincent papunta sa loob ng lumang aparador ng marinig naming may nagbukas ng pinto. dahil sa napakasikip sa loob ng lumang aparador na ito. Hindi naming maiwasang magkadikit ang katawan namin. kaya naman malaya kung nahahawakan ang dibdib nito, dahil nasa dibdib niya ang mga kamay ko.

Ok ka lang ba janna? hindi kaba nahihirapang huminga" pagtatanong nito.

The RingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ