Janna's POV.
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba magbabalik ngiti sa'king mga mata
Si Mr. Right ka ba?Ako yan habang kumakanta ng Mr.Right ni Kim Chiu.. Para akong tanga dito na kumakanta..
Ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko..sa wakas medyo close narin kami ng taong pinapangarap ko..hehe!!.. Sana magtuloy tuloy na to..Gusto nyo bang malaman kung bakit hanggang langit ang ngiti ko..ganito lang naman kase yan..
Isang mahabang flashback..^^
--------++++Flashback----++++++++Ito po yung nangyari kay janna sa chapter 3..
Habang kumakanta ako ng Mr.Right may isang mamang lasinggero ang sumigaw na kung ako lang naman daw ang kakanta ng favorite song niya mas gugustuhin niya pa daw ang mamatay kesa sa marinig akong kumakanta ng favorite song niya.. ( Di pakamatay siya, problema ba yun! )
Hindi ko sinunod ang sinabi ni manong..pinagpatuloy ko parin ito ..hanggang sa habulin niya ako ng shot gun ( Gusto niya agad akong matigok )..takbo dito takbo doon ang drama ko..hanggang sa makalayo ako sa kanya..5 minutes akong tumakbo para makaalis sa mamang yun ( Nabilang mo ) ..
Napasandal ako sa pader dahil sa sobrang pagod ko..halos hindi ako makahinga dahil sa kakatakbo..buti na lang at hindi ako nakaheels..kundi patay kang paa ka..
Uupo na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko..
O___O
Waaaaaahhhh!!! Sigaw ko sa isip ko.( meron ba non) wag nyong sahihin na nahabol pa ako ni manong..Patay kana ngayon janna.. Wa kana future ..huhu..
Ito na ba ang katapusan ko.. Hindi ba pwedeng bukas na lang para naman makapaghanda pa ako...Pinikit ko lamang ang aking mata para kapag pinutok ni manong ang baril .. Wala na akong mararamdaman na sakit..chos..
5 minutes na ang nakakalipas ngunit wala pang bala ng baril ang tumatama sa akin..Naisipan kung tignan kung sino ang humawak sa balikat ko..
Paglingon ko sa likod..
Laking gulat ko na lang dahil hindi si mamang may hawak na shot gun ang nakahawak sa balikat ko.. Kundi si Vincent..
Nanghihina ito, at gusot na gusot ang suot niyang damit.. na akala mo ni rape ng sandamokal ng babae ( wag naman sana ).. Marami siyang sugat sa katawan..pati sa kanyang gwapong mukha ay may galos..Anong nangyari dito??
Anong nangyari sayo? Sino ang may gawa niyan? " pagtatanong ko sa kanya..
T-tulungan m-o *cough* a-ko"sabi nito at saka siya umubo ng may kasamang dugo..
Nataranta naman ako kaya agad kung kinuha ang panyo ko sa aking bulsa.para punasan ang dugo sa labi nito..
Sinubukan kong humingi ng tulong kaso parang kaming dalawa lang ata ang tao dito..
Kaya mo pa ba? Dadalhin na kita sa hospital.." Sabi ko rito.
Isang ngiti lang ang naisagot niya sa akin..Bakit ba nagagawa niya pang ngumiti sa ganyang sitwasyon?
kinuha ko ang kanyang kamay saka ko ito nilagay sa balikat ko..
0/////0
Bigla tuloy akong namula..magkalapit na kase ang mukha namin at naaamoy at nararamdaman ko ang kanyang paghinga..
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Ring
Mistério / SuspenseTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...