Bryan's POV.
T-tulungan n-niyo k-ko? parang awa niyo na tulungan niyo ko?" Isang boses ng lalaki ang nagmamakaawa at humihingi ng tulong ang aking naririnig.
Nasaan ako? Anong lugar ito.
Ahhhhhh!! Maawa ka sa akin please! *cough* g-gusto ko pang mabuhay." Nagmamakaawa at nahihirapang sambit nito.
Nasaan ka? Anong lugar ito? Bakit ang dilim? anong nangyayari?"Pasigaw na tanong ko.
Ahhhhhhh!! T-tulooonnngg!!" Pagsisigaw nito na mahahalata mo sa kanyang boses ang sakit na nararamdaman nito.
Nasaan ka? Tutulungan kita" sigaw ko sa kanya.
N-nandito a-ako s-sa likod mo" nahihirapang sambit nito kasabay ng pagliwanag ng buong paligid.
Nanlaki ang aking mga mata at di makagalaw ang buo kung katawan.
Totoo ba ito?
Kusang tumulo ang luha ko ng makita ko sina Janna, trecia, lyka, daniela, jacqueline at ang iba ko pang classmate na nakahandusay sa sahig habang wala ng buhay.
Ang daming dugo sa paligid, nagkalat ang mga lamang loob nila sa bawat sulok ng silid na ito.
Bawat isa sa kanila ay wala ng ulo, kamay, paa, mga mata at lamang loob.
Nanginginig ang buo kong katawan ng makita ko ang bangkay ni jacqueline. wala na itong ulo at mga daliri habang nakapako ito sa dingding.
B-bryan t-tulungan mo ako, nandito ako sa likod mo" sambit nito.
Tumingin ako sa likod at nakita ko ang isang lalaking naka-upo sa upuan habang maraming saksak ang buo nitong katawan. Nakayuko ito kaya di ko makita ang kanyang mukha.
Sa gilid naman nito ay isang taong nakatayo habang may hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay nito at nakatingin sa akin na parang demonyo.
S-sino ka?" Nauutal at nanginginig na tanong ko.
Nakakatakot ang aura nito, nababalot ito ng galit.
Tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka tumingin sa akin na puno ng galit.
Napalunok ako sa paraan ng pagtitig nito, ang mga asul nitong mga mata na nagbabadya na kahit anong oras ay papatayin ako nito.
W-wala kanang takas ngayon bryan" sambit ng lalaking naka-upo na kanina pa humihingi ng tulong.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang mukha nito.
Ang lalaking naka-upo na maraming dugo ang buong katawan habang walang kamay, ay walang iba kundi---
Ako!
Bryan! Gising! Bryan!!
Ahhhhhhhhhhh!!!
*hingal* hingal*
Bryan are you okie?" Pagtatanong ni lyka sa akin.
YOU ARE READING
The Ring
Mystery / ThrillerTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...