Dedicated to 123MAPB
Thank you po ate sa walang sawang pagvovote at pagbabasa ng aking storya.. Maraming salamat kase isa ka sa mga inspiration ko kung bakit ako ginaganahang mag-update at kung bakit tinutuloy ko pa itong story ko..ate Feb! Maraming maraming salamat sa pagvovote at paghihintay sa bawat update ko..thank u very much..muah! * teary eyes*
Jazkie022
~~~~
Janna's POV. ( continuation )
Habang tinititigan ko ang painting.sarit saring emosyon ang nararamdaman ko. Galit , takot, kasiyahan , pagkainggit , selos at kung ano pang emosyon ang nararamdaman ko sa aking dibdib.
Ngunit sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko..takot ang siyang nangingibabaw sa akin. Parang binabalik nito ang aking nakaraan na matagal ko nang kinalimutan..Ito ay ang pagkamatay ng pinakamamahal kong lolo na ako ang dahilan kung bakit siya namatay..Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ng biglang tumulo ang aking luha..Simula ng mamatay si lolo pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak kailan man..pero ano tong nangyayari sa akin..bakit ako umiiyak..
Lolo kahit anong mangyari wag niyo akong iiwan ah." sabi ko kay lolo Ernesto at saka ko siya niyakap.
Oo! Apo kahit anong mangyari hindi kita iiwan." Sabi ni lolo habang nakangiti ito at niyakap din ako.
Promise lolo! Cross your heart mamatay ka man" Sabi ko sa kanya sabay angat ng pinky finger ko.
Promise apo cross my heart mauna ka man" sabi sa akin ni lolo Sabay angat din ng kanyang pinky finger..
Promise walang iwanan hanggang kamatayan" sabay na sambit namin ni lolo Ernesto at saka namin pinagdikit ang aming mga pinky finger..ano bang tawag doon pinky promise ba.
Ang araw na iyon ang isa sa mga masasayang araw namin ni lolo Ernesto at the same time ang siyang bangongot ko hanggang sa nagkaregla ako.
Lolo! may lobo..pwede bang bilhan mo ako please!" Sabi ko kay lolo with matching puppy eyes pa yan..di kase ako matitiis ni lolo pag- nagpapacute ako sa kanya.
Ah! Sige apo bibilhan kita basta wag kana magpacute. hindi kase bagay sayo! para kang nawawalang anak ni mura.Ilan ba ang gusto mo" Sabi ni lolo sa akin..
Nilait pa ako ni lolo non bago ako bilhan ng lobo..pero kahit na anong lait niya sa akin..still mahal ko parin siya..
Lahat po iyon lolo gusto ko" sabi ko kay lolo habang nakangiti.
Oh! Sige maghintay ka riyan..Saglit lang ako..bibilhin ko lahat ng gusto mong lobo..para sa pinakapanget at pinakamamahal kong apo" sabi sa akin ni lolo.
YOU ARE READING
The Ring
Mystery / ThrillerTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...