Janna's POV.
Nandito kami ngayon sa dining room nila ranz kyle. lahat kami ay nakatulala dahil sa nangyari kanina sa kitchen. hindi parin maalis sa isip ko ang mga nakita ko sa kusina. mula sa mga putol na kamay at paa ng mga maids hanggang sa mga lamang loob nila.
Kasalanan ni janna ang lahat ng ito. kung hindi niya sana dinala dito ang demonyong singsing na iyan. Hindi sana mangyayari sa atin to." pagsasalita ni erica habang tumutulo ang kanyang luha..
Napayuko naman ako sa sinabi ni erica at saka tumulo ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan. totoo naman kase ang sinasabi niya. kasalan ko ang lahat ng ito. kung hindi ko sana tinanggap ang singsing mula sa matandang nagpakain sa akin ng marie. Hindi sana manyayari ang bagay na ito. edi sana buhay pa si ate sally ngayon pati narin ang mga maids nila ranz kyle.
No! walang kasalanan si janna dito erica. kung meron mang dapat sisihin, ako iyon. kung hindi ko sana binuksan ang singsing. edi sana walang sumpang nagaganap ngayon..edi sana nakikipaglandian ako ngayon kay ranz kyle. kaya wag mong sisihin si janna, dahil wala siyang kasalanan dito." Pagtatanggol ni daniela sa akin.
Tama si erica , daniela. kung hindi ko sana tinanggap yung singsing, na ibinigay ng matandang nagpakain sa akin ng marie. Wala sanang sumpang nagaganap ngayon. kasalanan ko ang lahat ng ito" sambit ko habang nakayuko at patuloy na lumuluha.
Habang nakayuko ako may kung sino ang humaplos ng likod ko.
Wala kang kasalanan dito janna. hindi mo kasalanan kung bakit namatay ang mga maids nila ranz kyle. Wala kang kasalanan kung bakit lahat tayo dito ay nasa panganib ang buhay. Walang may gusto nito. kaya wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman alam na may sumpa pala ang singsing na ibinigay sayo. kaya tahan na, walang magandang maidudulot kung sisihin mo ang sarili mo" sambit sa akin ni vincent.
kaya naman napataas ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang gwapo nito mukha habang nakangiti ito sa akin. nakatitig ito sa mga mata ko na parang sinasabi ng mga mata niya na " tahan na, maayos din ang lahat ng ito" kaya naman kahit papaano medyo nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. at nadagdagan ito ng kalandian na siyang naghuhudyot para halikan ko ang labi nito . charing lang.

YOU ARE READING
The Ring
Mystery / ThrillerTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...