Janna's POV. ( continuation )
Pagpasok pa lang namin sa horror park na sinasabi ni ranz kyle..bumungad sa amin ang napakaraming maligno sa paligid..may dwende na nagtitinda ng ice cream, isang white lady na sumasayaw ng teach me how to doggie at isang zombie na kumakanta ng fantastic baby..magkarhym diba!e'chos lang..
Natawa kaming lahat sa nakita namin dito sa loob..akala pa naman namin nakakatakot dito kase nga isa daw ito sa mga dinarayo ng mga tourista.. pero ano itong nakikita namin mukhang nagkamali ata kami ng dinig ahah!
Tawa kaming tawa habang pinagmamasdan namin yung white lady na todo kung sumayaw ng teach me how to doggie at take note mga readers may back up dancers pa ito..
Kaya naman imbis na nagsisisigaw kami at nagtatatakbo! Isang malakas na tawanan ang maririnig mula dito..laugh trip ang bruha ahah!!
Tawa kami ng tawa na halos mawalan na kami ng hangin sa aming katawan ng biglang may lumabas sa harapan namin..Isang lalaking nakasuot ng barong, na maraming dugo sa kanyang katawan at isang kabaong na lumulutang habang umiilaw ang loob nito na may kasamang nakakakilabot na tawa..
Isang malakas na sigawan at tilian ang maririnig mo mula sa direksyon namin..agad naman kaming nagtatatakbo sa sobrang gulat...hindi ko namalayan na mag-isa na pala akong tumatakbo..waaah! Nagkahiwa - hiwalay na pala kami..huhu..
Waaaahh! Mommy! Gusto ko ng lumabas dito" sigaw ko habang tumatakbo..
Huhuhu! hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon..mukha malayo layo na itong narating ko..unti unti akong tumigil sa pagtakbo hanggang sa naglakad na lang ako..Nakakapagod grabe! basang basa na ng pawis ang aking damit habang ang sakit na ng aking lalamunan sa kakasigaw..
Pinagsisisihan ko tuloy ang pumasok sa loob ng horror park na ito..Vincent nasaan kana ba? Huhu! kailangan kita ngayon at kailan man..e'chos lang..
Ang dilim ng buong paligid..tanging ang ilaw lang na nagmumula sa buwan ang siyang nagsisilbing liwanag para makita ko ang aking dinadaanan..
Lakad ako ng lakad at nakakita ako ng isang napakalaking puno..naglakad ako sa kinaroroonan nito dahil sa pagod na pagod na talaga ako!
Umupo ako sa mga damuhan habang nakasandal ang aking ulo sa katawan ng puno..nakakarinig ako ng mga sigawan ng mga tao ngunit unti unti din itong nawawala..Ipinikit ko ang aking mga mata, dahil sa pagod na pagod na talaga ako na konting takbo ko na lang baka isa na ako sa mga multo dito.
Habang feel na feel ko ang pagpapahinga biglang may nagsalita.
Pagod kana ba" pagtatanong ng kung sino mang tao ang kumakausap sa akin..ang laki ng boses nito na aakalain mong isa itong malaking tao..
Ano sa tingin mo ah" pagtataray ko sa sino mang tao ang kumakausap sa akin.
Sa tingin ko hindi pa..gusto mo laro tayo ng habol-habulan..ako ang taya" sabi naman ng taong kumakausap sa akin.
Pwede ba! Wag mo muna akong kausapin, hindi naman kita kilala..feeling close ka ah!.. kita mong pagod na pagod ang tao..tapos makikipaghabulan pa ako sayo..hindi mo ba nakikita na nagpapahinga ako! kaya tsupe ka muna" sabi ko sa kanya hahang nakapikit pa ang aking mga mata..

ESTÁS LEYENDO
The Ring
Misterio / SuspensoTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...