Bryan's POV.
Pagkatapos ng libing ni mang roberto, agad naman kaming umuwi ng mansion nila ranz kyle para gawin ang first activity na ibinigay sa amin ni sir.diakocute.
Hide and Seek ang activity na gagawin namin. Hindi namin alam kung bakit ayan pa ang unang ibinigay na activity sa amin. Hindi namin alam kung ano ang purpose ng activity na gagawin namin sa subject niya. History kaya ang subject namin sa kanya at hindi MAPEH.
Pagbilang namin ng sampu, dapat lahat kayo ay nakatago na" sambit ni shaira at warren.
Silang dalawa ang inutusan ng professor naming isip bata, para unang maging taya sa activity na gagawin namin.
Habang nakatalikod ang dalawa para magbilang, saka ko naman hinanap si jacqueline para sabay na kaming magtago.
Kahit na napaka-dali ng activity na gagawin namin, para sa amin mahirap ito. lalo na't hindi namin alam kung sino ang isusunod na papatayin ng killer. kaya naman mas mabuti kung babantayan namin ang mga taong mahal namin.
Nakita ko siyang tumakbo sa itaas, kaya naman tumakbo din ako para habulin siya.
Jacqueline! " tawag ko sa pangalan niya.
Tumigil ito sa pagtakbo at saka tumingin sa akin habang nakakunot ang noo nito.
Anong nanaman bang kailangan mo?" naiinis na sagot nito.
Napangiti na lang ako ng makita ko ang mukha niyang naiinis ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung bakit, kapag nakikita ko siyang naiinis o nagagalit. Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti.
Pwede ba kitang samahang magtago" nahihiyang sambit ko habang nakayuko at namumula ang pisngi ko.
Shiit! Ano ba itong mga pinagsasabi ko. Tang in* nakakabakla, hindi ko siya kayang titigan sa mga mata niya. dahil nalalambot ang mga tuhod ko lalo na kapag nakikita ko ang pag-ngiti nito. Tang-in* para akong babae sa kinikilos kung to.
Narinig ko siyang tumawa. kaya naman napataas ako ng tingin.
Nakatulala akong tinitigan siya. Shiit! Bakit ba ang ganda niya, lalo na kapag tumatawa.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi matulala dahil sa ganda ng pag-ngiti at pagtawa niya.
No! Ayoko! thank you na lang sa offer mo, pero mas ma-eenjoy ko ang magtago kapag ako lang mag-isa" sambit nito at saka siya tumalikod.
Tatakbo sana siya ng hawakan ko ang kamay nito.
Ang lambot ng kamay niya, parang ayoko ng bitawan to. Alam kung para akong tanga sa mga iniisip kong to, pero anong magagawa ko masyado akong na-inlove sa babaeng to.
Sige na jacqueline, baka may masamang mangyari sayo. Lalo na't nasa paligid lang natin ang killer" sambit ko sa kanya habang hindi ko pa binibitawan ang kamay nito.
Kaya ko ang sarili ko Mr. Bryan De Guzman. hindi mo ba alam na galing ako sa pamilya ng mga mafia. Kaya kung papatayin niya ako pwes hindi ko siya uurungan" sambit nito at saka hinila ang kamay niya sa kamay ko.
YOU ARE READING
The Ring
Mystery / ThrillerTatanggapin mo ba ang isang bagay, kung ang kapalit nito ay ang iyong buhay. Kaya mo bang humiling, kung ang kasunod nito ay iyong kamatayan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay, alang-alang sa iyong minamahal. Handa kana bang sumigaw ng malaka...