5 - GRAND Meeting

2K 63 3
                                    

JERON



Viber convo (B4L)



Thomas: Guilt-Free morning y'all! ;)

AVO: G-F morning, bros! :))) New day, new chance to make things right! Sabi nga ni King Archer, never miss a shot :D



Eto na naman tong mga kaibigan ko. I'm pretty certain that Thomas already told Arnold about what happened yesterday. Yun pa.



Jeron: Aga aga, nambubulabog kayo

AVO: Thought me quoting you would brighten up your day :( Btw, I need an autograph, too!

Thomas: Nako bro, only one person can brighten up his day. Unfortunately, hindi na tayo yun :(

Jeron: Thanks for ganging up on me, guys. We should change "B4L" to "B4L and other". Kayo naman lagi magkakampi.

AVO: Can't handle the dramaaa

Jeron: You started it

Thomas: Bakit ikaw, yang mga sinisimulan mo ba, kaya mong panindigan?



I was stunned upon reading the question.


Kaya ko nga ba?


Kaya ko pa ba?


Kagabi, narinig ko siyang umiiyak. Her cries resonated in my mind throughout the night kahit pa siguro nakatulog na siya.


There's only a thin wall separating us and I tried my hardest not to go out of my terrace and jump to hers.


I heaved a sigh as another set of messages came in.



AVO: If you miss, just take another shot.

Thomas: Andito lang kami! Updates ah!



What will I do now?




MIKA




Haaaayyyyy.


Hindi pa rin talaga nagsisink in sa akin na wala na akong trabaho.


Meaning, wala na akong income liban sa stipend coming from my scholarship.


Meaning, hindi ako makakapagbayad ng bahay.


Meaning, no money for King Archer's exhibit!


Paano ako magkakaroon ng bagong photo nyan???


Kasalanan lahat 'to ng magaling kong kapitbahay!


Pasalamat siya, libre na yung pass ko from Ara. At meron pa akong autographed photo courtesy of Thomas!!!


"AAAAAAAHHHHHHHH!!!", I squealed remembering his message for me.


My fangirling was brought to a halt when a flying pen hit my forehead.


"Aray! Masakit yun ah! Tori naman eh. Bat ka nambabato?"


At bakit ba lahat ng nagiging kaibigan ko may lahing sadista?


"Eh paano, lumilipad na naman utak mo, teh. Para akong nanood ng serye sa bilis ng shift ng mukha mo. Nako nako, di yan pwede kay Enrile! Este kay Dr. Espinosa pala.", she said, referring to one of our teachers.


"Alam ko naman yun eh. Kaya nga nilulubos ko na ngayon. Saka seryoso kaya ako sa trabaho ko."


To be a doctor has been my long time dream and I have made huge sacrifices for this.


Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon