33 - Twisted Fate

1.9K 97 30
                                    

MIKA





Hapon na pero nakaupo pa rin ako dito sa park.


"Hija, bibili ka pa ba ng ice cream? Uuwi na kasi ako eh.", sabi ni Manong na nagtitinda ng dirty ice cream.


Quota siya sa akin ngayon dahil pang-lima na 'tong kinakain ko.


"Ok na ako Manong, baka sumakit lalamunan ko eh."


Nagulat ako nang abutan niya ako ng bottled water.


"O ayan, bonus kasi pinakyaw mo tinda ko ngayong araw."


"Hala Manong, hindi na po-"


"Kunin mo na, hija."


Bago siya umalis, bigla siyang nagsalita ulit.


"Hindi kayang maibsan ng kahit ilang ice cream ang sakit sa puso...

Trust me. I know."


O_____O


Nakakaloka 'tong si Manong. English pa.


Ganun yata talaga kapag nasasaktan.


Natututo kang mag-English.


Pero tama siya.


Huling subo ko na dito sa ice cream pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kaninang umaga.






--- Flashback ---



"You didn't have to go this far, Teng.", I said firmly.


Shock was evident on his face upon hearing my words.


"Mika-"


"Ay meron ka pa bang ibang sasabihin? Pwedeng yung totoo naman?"


Pesteng mga luha 'to oh. Ayaw tumigil.


"Bakit ka umiiyak? What do you-"


"What do I mean?

Ano ba talaga 'to, Jeron? Sure ka bang proposal lang 'to para maging girlfriend mo ako?"


Jeron shook his head in confusion.


"Hindi kita maintindihan. I want you to be my girlfriend. And eventually be my wife, of course. What's wrong with that?"


Huminga ako ng malalim bago nagsalita.


"Everything."


His eyes grew wide as he stared back at me.


"Maling-mali kasi kasinungalingan lang ang lahat ng 'to.

Thank you pala ha. Sinabi mo sa akin ngayon na ikaw si King Archer. At least yung sakit, two in one na. Liban doon, wala ka na bang gustong sabihin? Para makaalis na rin ako."


This time, he stood up and now we're facing each other.


"Ano ba talagang gusto mong iparating? Why don't you go straight to the point already?!", he said a little louder.


"O sige! Do the words "fixed marriage" ring a bell to you?"


Jeron took a step back in shock.


Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon