MIKA
I woke up feeling the rays of the sun peep through the window.
Iminulat ko ang mga mata ko at bigla akong nagpanic nang mapansin kong magkayakap kami ni Jeron! Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at inalis ang braso niyang nakadantay sa akin.
Tumayo ako mula sa kama at tumakbo sa banyo. I stared at my panic-stricken face reflected on the mirror.
JUSKO MIKAAA
Wala pang 24 hours, na-break mo na yung first rule?!?!
ANO NA?!?!
Inhale, exhale.
"Teka lang kasi.
Exemption to the rule yun, kasi nga walang ilaw kagabi.
Ayoko lang na may mangyari sa kanya. Kargo ko pa yun kung sakali diba?", I voiced out at my reflection.
"Mika?"
"Ay kambing!"
"Sorry...
Nagulat kasi ako nung paggising ko, wala ka na.
Sinong kausap mo?", tanong ni Jeron habang nakasilip sa pinto.
Kaloka naman 'tong lalaking 'to oh. Hindi ba pwedeng kumatok?
Akala ko tuloy naghahallucinate na ako ng mukha niya sa salamin.
"Ahh... Wala, wala.
Sige na, maligo ka na. Maghahanda lang ako ng breakfast."
Lakas maka-housewife, Mika Aereen!
I shook my head trying to shoo away my thoughts.
Ano ba 'tooo. Ganito ba talaga feeling ng may kasamang lalaki sa bahay?
Kasamang lalaki talaga?!?! Ano ka, pakawala?!
Fine! Husband!
Bumaba na lang ako para maghanda ng almusal.
A few minutes later, Jeron went down, wearing his corporate attire. Ipinaghain ko siya at ipinagtimpla ng kape. Baka bigyan ako ng certificate ng nanay ko nito sa sobrang tuwa pag nalaman niya mga pinaggagagawa ko.
"Uhm... Jeron... Punta pala akong grocery mamaya. May papabili ka ba?"
"Ahh... I'll just go with you. Daanan na lang kita dito pagkagaling ko ng office. I'll be out at around 4 siguro."
Malapit lang naman ang Capstone RBC dito sa subdivision namin, kaya nga ito yung pinili nina Mama for us. Pero ayoko na ring abalahin pa si Jeron sa mga bagay na kaya ko namang gawin.
"Hindi na, ako na lang. Baka pagod ka na nun.", sagot ko sa kanya.
"No, I insist."
O edi sige. Pag sinabi naman niyang "I inisist", wala na akong nagagawa eh.
After he finished his meal, he stood up and grabbed his suitcase.
"Thanks for the breakfast, Mika.", he said with a smile.
"Wala yun. Thank you din sa ginagawa mo para sa pamilya ko.", I said sincerely.
"I'm not just doing this for your family.", he answered.
Parang nag-crack na naman yung puso ko sa sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/44280961-288-k852897.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Next Door
FanfictionTwo lost souls who ran away from home. Two lost souls in search of themselves. Will they find their way back? Or will they discover something unexpected... that will make them stay together? Starring: Jeron Teng & Mika Reyes Start Date: July 11, 201...