MIKA
"Ye!!! Naku, buti naman nadalaw ka. Miss na kita ah!", bati ni Miss Angel pagkakita niya sa akin.
"Miss na rin kita, Ate!", ganting-yakap ko sa kanya.
"Ay baby girl. Sayang di mo naabutan si hubby! May outside meeting yun with a client today eh.", kwento niya.
"Ah ok lang po. Si Mama naman po yung pinunta ko dito.", sagot ko.
"Ganun ba? O sige, pasok ka na lang sa office niya."
Pumasok ako sa office ni Mama at naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit.
"Anak! Andyan ka na pala."
"Hi Ma.", I approched her and kissed her cheek.
"Upo ka muna, Potch. CR lng ko sandali."
Hinintay ko lang si Mama at saka kami lumabas ng building.
We chose to have lunch at Mary Grace, since nasa katabing building lang yun ng office nila.
"Kumusta naman kayo ni Jeron, anak? Nag-sorry ka ba sa kanya kagabi?"
Grabe, daig ko pa grade school na nang-away ng classmate sa tanong ng nanay ko.
"Opo, Ma. Ok naman po kami.", tipid kong sagot.
Nag-sorry naman talaga ako eh. Tulog nga lang siya.
Kinumusta ko rin si Papa at nangako akong dadalawin ko siya kasama si Jeron kapag di na ito busy.
Bale ang bilin daw kasi ng tatay ko eh dapat kaming mag-asawa daw talaga ang pupunta doon.
Normal ba talagang mas magustuhan ng sarili mong mga magulang yung asawa mo kaysa sayo na anak?
"Hay naku, Potch. Siyempre, ikaw pa rin ang una naming love. Pero normal talaga saming mahalin si Jeron, kasi siya na ang nag-aalaga sayo ngayon. Ipinagkatiwala ka namin sa kanya kasi alam naming mahal ka ng batang yon.", sagot niya sa akin.
Buti pa sina Papa at Mama, sigurado doon.
Hindi na lang ako nagsalita. Mahirap naman kung mag-agree ako diba, tapos di naman pala totoo.
"Samahan mo pala ako after natin kumain ha.", biglang sabi ni Mama.
"Sure po. Wala naman akong gagawin. Saan po ba tayo pupunta?"
"Rockwell Art Center."
Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong iced tea.
Yun yung venue ng staged proposal ni Jeron and malapit lang yun dito.
"Sa iba na lang, Ma. Shopping na lang tayo sa Galle!", aya ko sa kanya.
"Ayoko. I don't have all the time. Gusto ko bisitahin yung art exhibit ni Jeron. Sabi ko sa kanya, mag-send sa amin ng snaps noon eh. Noong sinagot mo siya. Eh hindi naman nag-send.", sumimangot pa si Mama.
Kasi po wala namang sagutang naganap.
Haaayyyy, ano ba 'tooo
"Eh Ma. Baka wala na po yun doon. I'm sure may mga bago nang naka-install."
Pilit ko pa, baka sakaling magbago isip niya.
"Kahit na. Gusto ko pa ring puntahan. Kung gusto mo nang umuwi, ok lang."

BINABASA MO ANG
Love Next Door
FanfictionTwo lost souls who ran away from home. Two lost souls in search of themselves. Will they find their way back? Or will they discover something unexpected... that will make them stay together? Starring: Jeron Teng & Mika Reyes Start Date: July 11, 201...