Entry#17- My Hero
ALEX POV
"Achoo!"
Kanina pa ako bahing ng bahing. Nasa school na ako ngayon at nagmumukmok sa isang tabi. Ewan ko pero nanghihina ako ngayon. Feeling ko anumang oras e babagsak ang katawan ko. Nilalamig din ako.
"Pwede bang heater na lang ilagay nyo kaysa aircon!? Magyeyelo na ako dito, eh. "
Napadukmo ako.
"Ano bang meron at ganito ako ngayon. Achoo!"
Napasinghot ako bigla.
"Ahhh. Sipon"
Walang kagana-ganang sabi ko sa pinakamagandang nilalang sa mundo , sa aking sarili.
Okay, sira na talaga tuktok ko. Waah.
Bakit nga ba ako nagkaganito?
Napaisip ako.
"Kahapon naman wala ito. Ano bang pinaggagawa ko
At parang hindi lang sipon meron ako ngayon?"Napa isip ako. Maliban sa maganda ako ano pa bang bago?
Linteeeeeek. Hindi iyon ang dapat iniisip ko.
Ano ba yan. Nababaliw na ako.
And this is because of that monster! Curse him to death!
That nerve!Kung hindi nya ako n-ni-ni-ya-kap kahapon. arghh, even that word hindi ko mabanggit ng diretso.
"Arggghhh. You m-monster!!"
Waaah.
"Totoo ba ito?"
Habang nagmumukmok ako, narinig kong sabi iyan ng isa sa classmate kong babae.
"Hey, That face."
Napatingin ako dun sa kumpulan ng mga babae na may pinagkakaguluhan.
Napakunot noo ako nun ng bigla silang tumingin sakin.
Nakipagtitigan ako pero blangko ang nasa isip ko at unti-unti na ring gumagalaw ang nasa paligid ko.
Nabigla na lang ako ng palibutan ako ng mga babaetapos ang sasama pa ng tingin sakin.
"At ang kapal ng mukha mo din ano? You freak"
Ako naman parang tangang nakatingin lang dun sa nagsalita.
"Wala ka bang kahihiyan? At kay Prince JJ pa talaga ha?"
"Huh? Prince JJ? Sino yun?"
Parang tangang tanong ko.
"Huh. Hindi ka lang freak, flirt ka pa. And because of that, akala mo magugustuhan ka ni Prince JJ namin? Impossible! So stop dreaming and get back to your gross planet! UGLY NERD!"
Sigaw nung isa.
Teka? Ano bang meron? Flirt? Planet? Prince? Teka, may prinsipe bang nagaaral dito? At anong planet pinagsasabi nito? Wala akong maintindihan.
Shit. Nahihilo na talaga ako.Ano mang oras ay talagang magbablack out na ang paningin ko. Mukhang hihimatayin ata ako.
Nabigla ako ng sinabunutan ako nung isang babae na nasundan pa ng iba.
Halos mahiwalayna ang anit ko sa buhok ko at talagang di ko na kaya ang sakit.
Tumigil sila saka may pinakitang kung ano sa akin.Dahil sa nanlalabo na ang paningin ko, hindi ko na nakita kung ano iyong ipinagduduldulan nila sa mukha ko pero sigurado akong cellphone iyon at picture ng kung sino man iyong pinapakita sakin.
"Flirt!"
Halos pasigaw at Paulit ukit na sabi nila at ako? Ewan ko na.
"Stop that!"
Isang sigaw ang narinig naming lahat. Napatigil sila at binitawan ako. Lumapit naman sa amin yung sumigaw na yun at binuhat ako.
"Hey. okay ka lang!?"
Dahil sa halos ayaw na rin magmulat ng mata ko ay di na ako nagabalang tignan kung sino iyon basta nagpasalamat na lang ako sa kanya kung sino man sya.
"Thank you. My hero."
Mahina kong sabi saka ngumiti at nawalan na ako ng malay.
°°°
Hi everyone!New chapter is here.
Thank you po sa mga readers.
Share po natin ito.
Vote and comment!!Thank you!!
#LABYAH :)
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)