Entry#21 - She's my Girlfriend
John Joseph's POV
Nak ng tokwa!Sino na naman ba itong pinagkakaguluhan?
AKO lang naman ang pinakaGWAPO dito ahh.Pinagtaguan ko si Alien dahil naiinis ako sa kanya. Ewan ko kung bakit pero basta, bwisit lang ako. Tss.
Habang nag-iisip ako kung bakit, may narinig akong sumigaw.
"Miss, tabiii!"
Napalabas tuloy ako sa pinagtataguan kong room.
Napatda ako nung makita ko ang nangyari.
Si Alien nakahiga pati na rin yung isang lalaki. Hindi ko agad nakita yung mukha nung lalaki dahil nakatalikod ito nang tumayo.Nakita at narinig ko pa ang pagbubungannga ni Alien.
Nakisali na ako sa usapan.
"Anong ginagawa mo dito, Raphael?"
Nagulat man hindi ko na pinahalata. May mga sinabi pa sya pero di ko na pinansin. Nagkaroon na rin ng mga fans itong si Raphael.
Tss.
Napatingin ako kay manong guard pati na rin kay Raphael. Mukhang nagtrespass itong si Raphael.
Tss.
Sinabi ko na lang kay manong guard na kilala ko ito at umalis naman na si manong guard.
Aktong magsasalita na rin ako ng magsaLita Ito. Hindi ko na sya inintindi pero nung tinawag nya akong "pinsan" kaya napaseryoso ako."Don't call me cousin because we're not"
Sabi ko saka tumingin ng diretso dito. Totoo naman kasi e. Hindi ko sya pinsan. Ampon lang kasi sya. HIndi na kasi mag kaanak sina Titia, Mama ni Christine. Nung nalaman ng mga magulang yun ni Christine ay nalungkot ang mga ito. Syempre, sino ba namang hindi? Kaya nag ampon sila pero makalipas lang ang dalawang taon ay napag alaman nilang nagdadalang tao si Tita kaya ayun, nagkaroon ng pag asa. Maselan ang pagbubuntis ni tita kaya ang nangyari ay lagi itong nasa bahay lamang. Bed rest kumbaga. Ito namang si Raphael, nag aaral nA noong mga panahong iyon sa ibang bansa. Walong taon na kasi ng ampunin nila Tita si Raphael. Alam naman ni Christine na may kapatid sya pero hindi nya pa nakikita. Hindi nya rin alam na ampon ito kaya hindi namin mabanggit. Sikreto kumbaga.
"Cold, as usual"
Palatak nito saka inakbayan si Alien.
"I LIKE HER!"
Sabi nito at saka tinuro si Alien na ikinalaglag panga naming lahat.
Bigla akong nainis sa sinabi nya kaya hinila ko sya pero itong si Raphael nag babye pa ata. May sinabi pa sya kay Alien e. Bago pa kami makalayo tumingin ako kay Alien. Ewan ko ba, nanggigigil ako ngayon e kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Nang makalayo kami, pabalang kong binitiwan si Raphael."Hahaha, what's wrong with you? MUKha kang pinakain ng sili. NAMUMula ka na ahh."
Sabi nya.
"Wag mong lalapitan ang babaeng yun."
Inis kong utos. Ewan ko kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
"Bakit? May magagalit ba?"
Ngiti nyang sabi.
"She's ugly"
Sabi ko na lang. Hindi ko na pinansin ang tanong nya.
"I found her pretty."
Tila kuminang pa ang mata nito sa sinabi.
"Nahihibang ka na ba?"
Pilit kong tinatanggal ang inis ko. Pero putek talaga, lalo lang akong naiinis.
"No, I'm not."
"Kaya nga wag ka ng mag ilusyon e, hindi sya maganda so back off. Iba na lang diskartehan mo."
Para talaga akobg tangang sinasabi yun kasi hindi ko na alam mga pinagsasabi ko.
"Haha, I like your Idea, I'm going to court her."
Tila siyang siya ito sa mga sinasabi.
"Don't you dare, Raphael"
Wala na. Galit na ako.
"Why not? I don't see any problem beside wala pa ata syang boyfriend"
Kibit balikat nito.
"Sinong nagsabi?"
Taas kilay kong tanong.
"I'm her Boyfriend and SHE'S MY GIRLFRIEND."
Proud kong sabi saka sya nginitian.
Ngiting tagumpay ako ng magseryoso sya pero ng magsalita sya, nawala talaga ng ngiti ko."Then--- I don't have a choice. Aagawin ko sya sayo."
Sabi nya saka iniwan ako.
"Then, I'm not going to lose."
Sabi ko ng wala na sya sa paningin ko.
•••
HELLo everyone!Hehe, medyo mahaba ata UD ko now.
NEXT Chapter, patagisan na.Hope you like it.
#LABYAH :)
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)