Chapter 28 - The Crowd
ALEX'S POV
 ̄︿ ̄
Ano bang problema ng isang ito?
Kanina pa talaga ako naiinis sa halimaw na kasama ko.
After nung nangyari sa hapag kainan kanina, hindi na nya ako ulit kinausap pero panay naman ang dikit sa akin dito sa campus. Feeling artistahin tuloy kami dahil panay ang tingin samin ng mga taong nakakasalubong namin.Nauuna akong maglakad kaya humarap pa ako sa kanya para kausapin sya.
"Hoy, Halimaw! Ano na naman bang nahithit mo't ganyan ka na naman makakilos?"
Iritado kong sabi.
Imbis na sagutin ang tanong ko, gumilid lang sya sa tabi ko at sinabayan akong maglakad.
Lalo lang uminit ang ulo ko sa ginawa nya.
Huminto ako sa paglalakad at ganun rin ang ginawa nya.<(`^´)>
Arrrrrgh!
"Isa! JOHN JOSEPH!"
Nabigla sya sa biglaan kong sigaw.
Halos tumigil din sa paglalakad yung mga tao.
Paanong hindi? Biruin nyo, isang gaya ko lang ang sumigaw ng ganun-ganun sa name ng prince charming (Iiiiw!) ng campus!Napapikit pa si Halimaw sa ginawa ko na ipinagtaka ko naman.
"That's the first time I heard my name from you."
Napatanga ako sa tinuran nya saka ko nakitang nagmulat sya at tumitig sa mga mata ko.
Mahina at mabagal lang yung ginawa nyang pagbigkas nun."What the hell is wrong with you?"
Ismid kong sabi.
Pinakita ko na talaga sa kanya yung pagdisgusto ng mukha ko sa mga pinaggagagawa nya.Imbis na mainis sya sa ginawa ko, ngumiti sya ng todo. Alam nyo yung ear to ear na ngiti? Yung parang mapupunit na ang mukha sa pagkakangiti? Yun yung ginawa nya ngayon!
(; ̄д ̄)
Baliw na ang isang ito.
Iiling-iling na nagsimula na lang ulit akong maglakad. At tulad kanina, ginawa na naman nya yung pagbuntot-buntot sakin.
Maghapon akong nakasimangot dahil sa Halimaw na ito.
Bakit? Dahil sa katakot takot na pag aligid nya sakin! Oo! Halos, hindi na ako malapitan ng mga classmate ko dahil sa pagbabantay nya! Jusko! Gusto ko na syang sakalin! Arrrgh! Hindi tuloy ako makakilos ng maayos! Ni hindi ako nakatulong sa pag aayos ng mini cafe na gagawin ng section namin.
Halos hindi na nga ako nakakilos kanina kaya ito, bugnot na bugnot ang mukha ko dito sa labas ng room namin. Take note! May gwardya ako. Oo! Si Halimaw nga! Mukha syang gwardya sa ginagawa nya ahy!→_→ ako.
(^v^) sya.
Taragis na ngiti yan. Sarap burahin ahy!
 ̄ˍ ̄ ako.
Nakakabwisit na Halimaw!
Nasa ganun kaming pwesto ng may asungot na naman na dumating.
"Yow, Pretty lady! How's your day!"
Dumating pa ang isang ito. Wala na! Sirang-sira na ang araw ko!
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)