Chapter 5

73 1 1
  • Dedicated kay Ylneareid / Daphne Z.
                                    

Entry#5 - My Talent

"Ang tigas naman ng mukha ng HALIMAW na yun. Bagay lang talaga sa kanya na tawaging HALIMAW! Nakakainis talaga sya. Swear. Ang sakit tuloy ng kamao ko."

Nasa waiting shed na ako nun. Habang hinihimas ko ang masakit kong kamay ay nag-iisip ako.

Bakit ko nga ba nagawa yun? Ito na naman ako. Sinapian ng pagkasanggano. Tsk. Kainis. Pero --- okay lang. Nararapat lang sa kanya yun. Masyado kasi syang mayabang! Grr. Alam nyo naman kung ano ugali nya diba? Ang yabang yabang nya talaga! Mukhang sinalo nya lahat ng kayabangan na inihagis ng Diyos. Naku!

"Hala , paano ako uuwi nito? Ang layo pa naman nung sa amin. Wala pa man din akong pera ni singkong duling. Nakakainis naman, oh. No choice tuloy ako. I need money. Pupunta akong cassino."

Hindi po ako nagsusugal, ha!? Baka akala nyo napakasama ko talagang babae. Kahit ganito ako, hindi naman ako nagsusugal. Never in my life na nagsugal ako, noh. Tyaka, legal naman ang cassinong pinagtatrabahuan ko, eh.
Pumara na ako ng taxi at sinabi ko kung saan kami pupunta. Buti na lang nandun si BEBE, isa sa mga nagtatrabaho dun bilang performer na katulad ko, nung bumaba ako ng sasakyan.

"Be, pautang muna ng P100. Pambayad ko lang sa taxi. Maya ko na bayaran after ng trabaho."

Naguguluhan man ay pinautang na rin naman nya ako.

"Oh, kuya. Keep the change."

Natawa  naman sa akin yung taxi driver, paano ba naman kasi keep the change, keep the change pa akong nalalaman, piso lang naman yung sukli.
Ang sa akin lang naman, ni 50 cents pa yan o kahit piso basta may sukli ka pa ay malaking tulong na rin yun sa kanya. Hindi naman mabubuo ang 20 pesos, 50 pesos,o kahit 1000 pesos kung walang 50 cents at piso diba?

"Oh, bakit ka nandito? Hindi mo pa naman araw ahh?" tukoy nya sa working day ko.

"Need ko lang talaga ng pera ngayon. Wala kasi akong pang allowance this week e. "

Pagsisinungaling ko. Well, half meant naman sya kasi nasa bag ko yung wallet ko na naglalaman ng kayamanan ko (wink).

Bwisit kasi yung HALIMAW na yun ee.

"Meron pa bang bakante?"

Tanong ko sa kanya habang papasok sa backdoor ng cassino. Dun ako nagpababa kasi hindi pwede sa front door pumasok, eh.

"Yup, meron. Buti na nga lang at dumating ka kasi hndi nakapasok yung isa nating katrabaho. May sakit kasi, eh. Nagpaalam kanina. Namomroblema nga ako kasi wala kaming ipapalit sa kanya kaya hero ka namin, Lex. Ikaw ang naging sagot sa dasal ko!"

Ngiting tagumpay nito st hinila-hila na ako papasok ng back stage.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka nagpatianod na sa kanya papasok sa backstage.

"Oh, ikaw ba yung susunod na sasalang? Aba'y bilisan mo at ayaw naming pinaghihintay!"

Mala-boss nitong utos.
lumingon naman ako sa likod.

Ako ba kinakausap ng baklang ito?

Wala namang ibang tao maliban sa akin.

"Gaga. Ikaw ang kinakausap ko. " 

Maarte pa nitong sabi.

"Bakit? May sinabi ba akong hindi ako kinakausap mo?"

Inis kong sabi sa kanya. Ayoko atang minumura ako. Hindi naman niya ako pinapakain ah. Isa pa walang nag-uutos sa akin ng ganun, noh!? Kung hindi nga lang ba need na need ko ang pera ngayon, hindi talaga ako pupunta dito. Ayoko kayang makabanggaan ang lukaret na baklang ito. Laging mainit ang dugo sa akin. Kada araw kasi may mga nag-aassist sa mga singers dito. Paiba-iba. Buti na lang at napunta sa akin  yung gay na mabait, si Tia. Tsk. Kawawa yung napunta sa lukaret na baklang ito. Swear.

Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon