Entry#8 - Big D.
Alex's POV
Isang nakabibinging katahimikan. Grabe. Para akong tino-torture sa lugar na ito. Nakakakaba.
Nasa office kasi ako ngayon ng may-ari ng school na ito, si Mr. David PhantomHala!? anong gagawin ko? Alam nya kayang ako ang bumugbog sa kapatid nya? Naku! Wag naman sana. Ahmp. Pero tingin ko hindi naman siguro. Eh, di sana wala na ako dito. Hmp. Tyaka kasalanan din naman kasi ni Halimaw yun kundi nya ko ginalit, eh, di sana hindi ko ginawa yun. Sya kasi, eh. Pumapatol sa babae! HAlimaw! Isa syang dakilang Halimaw!
"Sit down, Ms. Hernandez."
Alok nya sa akin. Iniusog pa nya yung upuan para sa akin.
Gentleman. Di tulad ng Halimaw na yun. Tsk.
Umuupo ako paharap sa kanya. Ngayon tuloy kitang kita ko na ang bawat kilos nya.
"Lets start."
"Naku! Sorry po talaga. Hindi ko naman magagawa yun kung hindi ako ginalit ni Hali--- JJ, eh"
Oops! Muntik na! Alex, JJ muna, saka na ang Halimaw!
"What are you talking about?"
⊙_⊙
Eh? Di pa ba nya alam?
"Po? Ah--- eh--- w-wala po yun. N-nagpapraktis lang po ako ng linya ko. Alam nyo na--- hehe--- m-malapit na ang araw para sa Anniversary. O-okay po ba ang emosyon ko sa pagsasabi nun? Bale, ano kasi, eh. Dapat kabado daw dun. Hehe"
Liars go to Hell, Alex.
Sorry naman daw!? Kasi naman, eh. Malay ko ba kung hindi pala yun ang dahilan kung bakit ako narito. Pero sana maniwala sya!
"Ah. I see. Well, kaunting praktis pa and it will be perfect."
Nakangiti nitong sabi saka mataman akong tinitigan.
Waaah! Not that mapanuring eyes! My gosh. What to do? What to do? Eh, hindi naman talaga ako kasali dun, eh. Kailangan ko lang talaga ng palusot!
"Ah--- hehe. Ganun po ba. Thank you po sa payo."
"I'm looking forward to it. Magkakasama din pala kayo ni JJ. You know, my little brother."
"Po!?"
"Kasali kasi sya dun, eh."
"Ahh. Hehe, m-my bad"
Naku! Yun na nga iniiwasan ko, eh. Ang makasama sya! Naku! No way.
"Ahm. Ano--- b-bakit nyo po ba ako pinatawag dito?"
Bigla syang nagseryoso kaya mas lalo akong kinabahan. Tumingin pa sya sa akin ng matiim.
"Alam mo naman siguro kung anong linya ng trabaho ko."
"Ahh--- o---po. B-bakit po ba?"
Grabe! Matino naman ako magsalita pero bakit nauutal ako ngayon?
Hmm? Trabaho? Yeah. Alam ko.
"Y-yes po."
"Good. So do you have any idea why are you here?"
Lalong lumakas ang kaba ko.
Shit. A-alam na ba nya?
"I have no idea po"
Saglit na katahimikan ang pumagitna sa amin dahil parang nakikita nya ang kaluluwa ko sa sobrang titig nya. Mas lalo akong kinilabutan ng ngumiti sya. Yung tipong akala mo'y nahulaan nyang sya ang mananalo sa pustahan.
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)