Chapter 23

29 0 0
                                    

Entry#23 - Foundation Week (Part2)

Alex's POV

Haruu, jusmiyo marimar! Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Naku! Naku! Pakiusap! Wag kang ganyan! Uwaa. A-ang puso ko! Magkakasakit na ata ako sa puso nito. B-bakit ang bilis ng tibok?

Dug. Dug. Dug.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigil. Hinihingal din ako ng di ko mawari kung bakit.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking ito. Lalo pa't nag-aala Daniel Padilla ito. Humaygoodness!

Oh, please! Someone! Please. Help me!

Lalo lang akong kinakabahan dahil lalo pa nyang inilalapit ang mukha nya sa akin.

"Kaya ikaw, dapat wag ka ng maglalapit sa mga lalaki dahil akin ka na!"

Akin ka na...

Akin ka na...

Akin ka na...

Paulit-ulit na narinig ko iyon sa utak ko.
Tama ba ang sinabi nito? Akin ka na?

T-teka? Ako? Sa kanya? Hindi naman ako bagay ah!?

"Hoy! Ikaw Halimaw. Hindi ako bagay na pwedeng ariin. Isa pa, anong ako ay sayo lang? N-ni hindi mo nga ako niligawan tapos naging boyfriend na kita?"

T-teka?

"Uso pa ba yun? Eh, kapag nakakausap nga lang ako ng ibang babae, ipinagmamayabang na nilang girlfriend ko sila."

Hanu daw! Goodness! Pati ba naman dito magyayabang sya? Saktan ko kaya ito?
And wait--- what the hell did I say?

"Hindi naman ako sila, eh."

Sabi ko na lang with matching tingin sa baba. Kabado na naiirita, eh.

"So, be it. I'm going to court you. Be prepared. But for now, stay away from Raphael."

Sasagot pa sana ako kaso natigil yun nung huli nyang pahabol na sinabi.

"Dahil seloso ako!"

And before pa ako makapagreact ay humiwalay na sya sa akin at agad ring binuksan ang pintuan. Madali lang nyang nagawa iyon dahil sya naman ang may kagagawan nun.

Nang makalabas ako sa bodega ay sya namang pag-upo ko sa sahig. Di bale ng madumi, eh, nanlalambot na nga ako, eh. Ikaw kaya, kayanin mo yung scene na iyon?
Siguro, may kalokohan na namang gagawin yun sa akin kaya ganun.

Haruu. Ayaw ko na. Wag naman ganun! Hihimatayin ata ako kanina, eh.

Napapailing na tumayo na lang ako saka hinanap yung plywood kaso hindi ko na makita. Siguro dinala na ni Halimaw sa room.
Napabuntong hininga ako saka tumingin sa bodega.

It's your fault. Kung hindi ka naila-lock sa loob, eh di sana walang Halimaw na nagpapatibok ng ganito kabilis sa puso ko.

Oh! Mga utak nyo ha! Kinakabahan lang ako sa Halimaw na yun. Alam nyo naman ugali nun, eh.
Sinisisi ko pa talaga yung bodega, ano? Naman kasi, eh. Amhp.

Paalis na ako sa lugar na iyon ng bigla ko namang makita si Raphael na may kasamang teacher.

"Pretty lady, anong ginagawa mo dyan? Buti nakalabas ka na?"

Napatango lang ako.

"So, Miss Hernandez? Sino ba ang may kagagawan nito? Sinabi sa akin ni Mr. Phantom ang nangyari dito."

Phantom na naman? Bakit ba ayaw akong lubayan ng mga Phantom ngayon?

Isip ko saka tumitig lang sa teacher para maghanap ng pwedeng sabihin.

"Ah, Ma'am, h-hindi naman po sinasadya yun ni Mr. Phantom na mailock kami sa loob. Talaga pong sira na itong bodega kaya po di sinasadyang nailock kami sa loob."

Napakunot ang noo ni teacher.

"Mr. Phantom?"

Ulit nya sa akin. Saka salitan ang tingin sa amin ni Rap.
Nakuha ko naman agad iyong tinging iyon.

"Ah, Ma'am, si John Joseph po."

Naman kasi, eh. Pareho pang Phantom. Bakit ba laganap ang apelyidong yun?

"Oh, I see. Mr. Phantom"

Napapatangong sabi nya saka hinarap si Rap.

"Imposible nga ang sinasabi mong inilock ni Mr. Phantom ang pinto gayong hindi kagandahan ang babae."

Ouch naman, Ma'am! Lantaran ba? Hello!? Nandito kaya ako.

"Pero Ma'am, maganda po si Pretty Lady. At saka, totoo po yung sinabi ko sa inyo."

Umingos namang tumingin sa akin yung teacher. Sinuri ako mula ulo hanggang paa.
Napangisi sya at muling binalingan si Rap.

"Guni-guni mo lang iyon, Mr. Phantom. At ikaw, Ms. Hernandez, wag ka ngang mag ilusyon."

Inismiran nya ako saka bumaling kay Rap at ngumiti ng ubod ng tamis saka umalis na pakendeng kendeng.

Napaismid ako.

"Palibhasa crush nya si Halimaw..."

Bulong ko na umabot naman sa pandinig ni Rap.

"Hahaha. Kaya pala nung sinabi kong Phantom, eh, nagmamadali syang sumama sa akin."

Ngiti nya sa akin.
Napatitig ako sa kanya.

My, my, my... Weakness. Ang cute!

Hindi ko talaga mapigilang titigan ang mukha ng lalaking ito. Cute sya! My golly goodness. Para akong nakakita ng chibi version ni James Park.

"Hoy!? Pretty Lady!? Hello!? Nasa earth ka pa ba? Hehe. Sabi ko na nga ba, eh, may crush ka din sa akin."

Napatitig bigla ako sa mata nya.
Hindi ko alam pero kakaiba yung mata nya, not to mention ma color brown talaga iyon. May pilit syang tinatago sa mga ngiti nyang iyon.

"Pwede ba, Rap. Stop saying that. Asa ka naman. Tsupi ka na nga. May gagawin pa ako."

Ingos ko sa kanya saka sya iniwan dun.

Naku! Talaga naman. Hindi na talaga nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko simula ng makilala ko ang mga Phantom na yun. Dafug talaga.
Kailan ba ulit magkakaroon ng katahimikan ang buhay ko?

Hindi na ako lumingon kay Raf dahil alam ko namang hindi na sya sumunod kasi wala naman na akong nararamdamang mga yabag sa likuran ko at wala na ring maingay na mangungulit ng kung ano ano at magsasabi ng pretty lady.

Nasa hallway naman na ako ng bigla na lang may sumigaw.

"H.M.T!"

Hindi pa ako lumilingon dahil alam ko na kung sino iyon.

Phantom na naman. Haaay.

Lumingon ako sa kanya at isang magandang nilalang ang nabungaran ko.

•••
Hello po! Hehe.

Comment and vote.

Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon