Entry# 25- OFFICIALly (Foundation week part 4)
ALEX's POV
"Anong kalokohan ito ha? Bakit ka narito? Paano kang nakapasok dito? Hindi ba't dapat nasa America ka at kasama sila Tita?"
Halos sunod sunod kong tanong sa pinsan kong si Darren. May malay na kasi ito at nakakain na rin. Halos di nga ako makapaniwala nung tanungin ko sya kung sino si Honey eh. Akalain mong itong babakla bakla kong pinsan ay may girlfriend? Oh well, natalo kasi daw sya sa pustahan nila kaya ayan, nagka girlfriend sya ng wala sa oras.
And speaking of Honey, pinalayas ko muna dahil may importante kaming paguusapan ng lalaking ito.
"Hush, Steph. You should see yourself. You look like your mother."
Maarte ngunit natatawang sabi nito.
"Don't you hush hush me, Darren. It's a serious matter. What the hell are you doing here in the Philippines?"
Hysterical na tanong ko.
"Just as what you did. Lumayas ako for some reasons."
"At talagang ginaya mo pa ako?"
Halos hindi na ako makapag react ng dapat na emosyon dahil medyo naiiyak na rin ako. Why? Dahil namiss ko rin ang baklang ito! It's already been 6 years after ko ulit syang Makita.
"Naku! Hindi ka ba masaya at nagkita na ulit tayo? And--- why are you sooooo ugly?"
Tanong nito na tumingin pa sa akin sa paraang may pandidiri.
"Tss. And the hell did you know? Hindi ba perpekto ang make up ko para makilala mo pa ako?"
Tsk. Akala ko okay na pero bakit nakilala pa rin nya ako? Isa pa aman din ito sa mga pinagpapaguran ko araw araw. Alam nyo ba yung feeling ng kalahating oras kang mag aayos para lang papangitin ang sarili mo. Isama mo pa yung Halimaw sa bangang walang ginawa kundi sumulpot-sulpot sa kung saang bahagi ng bahay namin? Abay c.r. na lang at mga kwarto namin ang pwedeng masabing may privacy pa kami eh.
"The way you walk, the way you blink your eyes and the way you care for me when I passed out, alam kong si Stephanie Kreigh yun. Like duh? We're like sisters na kaya. Even ata yung fart mo, alam ko na ang amoy noh!"
Natawa sya ng bahagya. Well, totoo naman kasi yun. Dahil nga unica hija lang sya, itong si Darren ang naging sister nya.
"Tsk. Nga pala, alam na ba ni Tita na narito ka?"
Lumungkot naman ito.
"Yeah. Kaya nga ganito nangyari sa akin."
Napakunot noo sya. Speaking of that.
"Nalaman nilang narito ako, two months ago pa. Pero dahil ayaw ko pang umuwi, nanatili akong nagtatago. Kapag nahuhuli naman nila ako, nakikipagbakbakan ako. Kaya ito, nabawasan na ang ganda ko. Hahaha"
Natatawa ngunit pigil dahil sa mga pasa nito.
"Saan ka tumutuloy ngayon?"
"Kila Honey"
Walang pagdadalawang isip na sagot nya.
"Whaaaaat?"
Gulat kong tanong.
"You mean, live in ang peg nyo?"
"Yuuuuck, Steph! Your mind is full of disgusting imagination! Live in ka dyan. Gaga! Kila Honey nga ako tumitira pero condo yun. Pinahiram nya sa akin. And excuse me huh? Kadiri kaya pag pumatol ako sa katulad ko. Iiiiw!"
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)