Chapter 2

108 0 0
  • Dedicated kay Daphne Zalavarria
                                    

Entry#2 - Ang Pagkikita

SA  CANTEEN

Nguya-nguya. Higop. Burp! (Excuse me!) Sa wakas nakakain na din ng masarap. Haaay, salamat sa masarap na pagkain! Nabusog na ako! Wohoo. Magdiwang!

"H.M.T."

Napalingon ako sa tumawag na iyon sa akin.

"O.I.P. K.K.N.?"

"O.P.S.P.R.A.S."

Oh, diba nagkaintindihan kami?

H.M.T. stands for  'Hoy, Miss Taray'

O.I.P. K.K.N. for  'O, ikaw pala. kumain ka na?'

O.P.S.P.R.A.S. for  'Oo, pero sasabay pa rin ako sayo'

Halos ganyan ang simula ng batian namin kaya mas pinili na naming paikliin. Nung una  hindi ko pa sya magets pero nung lumaon (Wow!) medyo nakasanayan ko na rin kahit paano. Alam ko na rin kasi ang mga sinasabi nya.

"Ah, Alex---"

Oopss. Ito na naman sya at kapag ganyan na sya asahan mong may hihingin na naman yang pabor sa akin. Kaya ang gagawin ko ay lilingon-lingon at kunwaring may kakausapin.

Ngumiti si Christine.

"Lumang style na yan, bhes."

"Kung makakalusot lang naman."

Ngumiti ako sa kanya at agad ding makikinig sa pabor nya.

Ay, oo nga pala. Hindi nyo pa ako kilala 'no? My bad. I forgot kasi.

Ako nga pala si ALEXANDRA HERNANDEZ, known as ALEX o kaya MISS TARAY. May iba ding tumatawag sakin na MISS EYEGLASSES dahil na rin sa sobrang laki ng eyeglasses ko. Wala akong pakielam kung ano ang itawag nila sa akin. Basta pag nag-usap ay magkakaintindihan kami at walang away na magaganap. 17 of age, SINGLE, 5'7"  ang taas at slim. Okay naman daw ang katawan ko. Perfect daw para ihanay sa katawan ng ibang modelong babae, ang problema nga lang daw ay ang aking face. Ano bang problema nila sa mukha ko? As if naman mamamatay sila kapag nakita nila ako.
Aysus! Kaartehan nila.

"Ha?"

Sinabi na sa akin ni Bhes  yung kanyang pabor at nagdalawang isip ako nun kasi nga may trabaho ako ng mga oras na yun. Isa pa wala akong hilig manood ng BASKETBALL no!? Nakakaboring lang kaya yun. Well, for me ha. Wala naman kasi akong iche-cheer e.

"Please. Please. Sige na bhes kahit na ako na lang ang magbayad ng dapat ay isasahod mo ngayon. Sumama ka lang sakin. Please?"

Hmm. Napaisip ako. Nga naman. Hindi nga naman ako mapapagod kung tatanggapin ko ang alok na yan. Kahit paano ay makikinabang din ako. Bakit nga ba hindi? Pero maya na lang. Magpapakipot muna ako. Malay mo, baka sakaling taasan pa ang presyo. Oh, edi ayos!

"Eh, bakit sa akin? Nasaan na yung iba mo pang kasama? Yung mga umaaligid sayong mga babaeng bestfriend mo daw?"

Umismid naman sya pagkabanggit ko dun saka nangalumbaba.

"Ano pa nga ba? Ayun, iniwan ako sa ere. Nakipagdate sa mga papabols nila. Alam mo naman sila kapag boys na ang pinag uusapan."

Natawa ako sa sinabi nyang iyon pero sya akala mo'y nakatikim ng sampalok dahil ang asim ng mukha nya!

"Nagagaya ka na sa lenggwahe ko ah. Anong meron ha!?"

"Ako pa. Mana kaya ako sa'yo. Oy, nga pala. Basta, samahan mo ko, okay? Ako na bahala sa sahod mo ngayon. Panigurado ako dun"

Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon